Wednesday, February 15, 2012

Walastik.

Sino ba kasing nagsabing makipagbreak ka? Sino ba kasing nagsabing iwanan mo siya? Ganyan yan! Kagagahan kung tawagin.

Wala naman siyang ibang ginawa kundi pasayahin ka. 'Yung tipong, "yes dear." nalang nga lagi ang sagot niya sa'yo pero ano? Wala, wala pa rin. Hindi ka pa rin nakuntento. Kailangan mo pa talagang humanap ng iba?

May mga tao talagang wala, 'di ko maintindihan takbo ng utak. Makikipagbreak tapos hahabulin? Kung mahal mo talaga siya, bakit mo pinakawalan in the first place?

Wag na wag mong isasagot ang cliche na "If you love him, set him free. If he comes back, it's meant to be." Ururrrr! Hindi lahat ng cliche applicable sa totoong buhay! Feeling mo isang novel with a sweet and happy ending ang mangyayari kung magrerely ka sa gantong statement? Mahal mo nga e. Bakit mo pa pinakawalan? Ang buhay ay parang Quiapo, maraming snatcher. Shushunga shunga, nasnatchan, kung kelan naitakbo na, tiyaka magtatatara. Labo pare.

Nakakainis na Break up line number one.
"Mahal ko pa pala yung ex ko.."
-Kung mahal mo pa ex mo, bat ka pa nagmahal ng iba? Ano testing lang? Makikipagbreak, lalandi ng iba, iiwanan yung nilandi, babalik sa binreakan. Aba. Teka muna. Sabi nga ni lola Amor, "Sinuka mo na, ibabalik mo pa?" 

Nakakainis na Break up line number two.
"It's not you, it's me."
-Eh talagang It's you! Ikaw 'yan. Ganyan 'yan! Ewan ko kung bakit parang, ano use ng line na 'yan? Pampalubag loob? Na kunyari hindi niya kasalanan kung bakit ka nakikipagbreak? Na ikaw 'yung may diperensya? Sa tingin mo ba effective yung ganon? Dood, isipin mo. Sinabi mo na "It's me." Mas mapapaisip pa si binreakan ng.. "Bakit kaya? Ano kayang naiisip niya? Narealize na niya yung mga pagkukulang ko? Hindi na ba siya masaya?" Which leads to the downfall of the binreakan kasi iisipin niya na kung siya't siya pa rin ang dahilan ng pagkakaroon mo ng mga doubts..

Nakakainis na Break up line number three.
"I need space."
-Hala sige eto space kainin mo. Nganga!

Hindi ko aim na i-condemn ang mga taong nakikipagbreak or something. Ang gusto ko lang, marealize ng mga tao kung gaano kahalaga ang panindigan ang isang bagay na sinimulan. Ang isang bagay na baka kapag nawala, hindi na maibabalik pa. 

Mahirap lang kasi mabuhay nang may regrets, "What if's", "Paano kaya kung..", "Sana pala.." 

Andami kasing narerealize yung kahalagahan ng tao kapag mawala na.. kapag it's too late.. kapag may iba na. Tapos ano, may I weep and feel bad and listen to bitter ouch ouch songs nalang ang magagawa. May iba naman, magsisikap, susubukang balikan ang masakit lang, yung binabalikan, natauhan na. Narealize na there's more to life than waiting for you to come back kaya ayon. Fly fly away ang drama at ikaw, wala, naiwan. Isang uhaw ang tigang na lupa.

Nakakatakot isipin na baka dahil sa padalos-dalos na desisyon, makagawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo habambuhay.. drama lang.. 

Pero seryoso, mahal mo nga 'di ba? 'Bat mo papakalawan dahil lang sa isang pagsubok? May mga bagay na dapat malaman ipaglaban. Mga bagay na dapat pahalagahan nang sobra sobra.

Kaya kung nabigyan ka na ng isang chance na makasama siya, 'wag mo na sayangin. 'Cause not everyone is given and is deserving of what movies and novels call 'second chances'. 

Monday, February 13, 2012

Isprikitik.

Ang araw na 'to.. Araw ng mga in love... Araw ng mga may ka-chorvahan. Araw ng mga umiibig. 

Para sa mga umiibig at iniibig rin pabalik, the best 'tong araw na 'to. As in, mega handa si boylet ng letter, roses, cake at kung anik anik pa. At narito naman si girl na kunyari walang alam at may I act like I'm so sarpraysd pero deep inside.. Alam naman niya na mangyayari yon. Nonetheless, kilig pa rin!! 'Yung tipong 'Hala sige! Kami na may love life. Kami na masaya. Mainggit kayong lahat!' Chararat.

Para doon sa mga umiibig pero hindi naman iniibig pabalik, isang araw na dapat paghandaan, 'yung tipong, baka sakali, baka sakaling may mabago sa araw na 'to. "Pangarap ko kasing maging single habang buhay.. Sana ikaw na ang sumira sa pangarap ko." Ayon. Ganon ang drama. 

Para doon sa mga iniibig, pero 'di naman nila type 'yung umiibig sa kanila, sakto lang. Kinikilig kahit papaano, feeling maganda. Kunyari ayaw pero sa huli tatanggapin rin naman. Ganyan 'yan! 'Yung, kunyari tataguan 'yung may gusto tas biglang mako-corner.. Pero deep inside nafflatter rin naman. Aba, buti nga't may nakakaappreciate sa pagkatao mo. 'Wag na magmaganda atih.

Para naman 'don sa mga umiibig na ni hindi man lang siya kilala ng iniibig niya, ang saklap lang. Gusto mo sanang gumawa ng something special pero, wala e. Naunahan ka ng.. 'E hindi niya naman alam..' 

Hindi naman dapat alisin sa listahan ng mga nagcecelebrate yaong mga bitter, hurting at mga hoping. Sina ateng uhaw ang tigang na lupa ang drama...

Para sa mga bitter... Ang hirap i-categorize ng mga taong bitter. Hindi mo malaman kung bitter ba siya kasi hurting siya dahil kabebreak lang nila or bitter siya dahil sadyang inggitera lang talaga. 

Ang dalawang side ng bitter tuwing Valentine's..

Side Number 1: Bitter ako kasi wala lang, nakiki-uso lang. 
(In short, trip lang)

Kairita 'tong mga ganto. 'Yung tipong, 'Anong araw ba bukas? -.-' Loko. Ilang taon ka na ba? 9? Wala kang karapatang magtampo sa Valentine's kung wala kang sapat na rason pare. Napakaraming dapat ipagdiwang, 'wag ka maging bitter kung 'di naman talaga. 


Side Number 2: Bitter ako kasi Hanggang ngayon, ang sakit pa rin. Ang sakit sakit.
(In short, Hurting pa si ate.)

Paano ka nga naman makakapagcelebrate ng Valentine's kung durog, basag at yupiyupi ang puso mo? Ang sakit lang. Ano, binreak-break mo pa kasi.. Ngayon lulungkot lungkot ka, iiyak iyak.. Ganyan 'yan!! Nagpapadala kasi sa init ng ulo. kalurks. Mas masakit, 'yung ikaw yung binreakan! 'Yung tipong, wala ka namang ginagawang masama, naging isang mabuting jowa ka lang naman pero ano, your best wasn't good enough pa rin para sa kaniya! Ganyan 'yan! 'Yung mga ganong tipo, hay, 'di na dapat binabalikan! (may pinaghuhugutan lang ang peg?) Hurting. Ewan ko nga kung ano pa ibig sabihin ng Valentine's day sa bokabolaryo ng mga taong 'to e. (taong 'to talaga?) 

Valentine's Day para sa mga Hurting:
Isang araw para makipagdate sa kama. Kumain ng ice cream. Manood ng 'One More Chance' nina Popoy at Basha pati na ng 'Pano na Kaya' nina Mae at Bogs. Isang araw para basahin lahat ng mga lumang love letters, yakapin ang mga inaalikabok na stuff toy at makinig sa 'bitter ouch ouch' playlist. The playlist which consists: Rolling in the Deep, Dahan, Breakeven, Long Gone and Moved One, Heaven Knows, Someday, Let Me Be The One. Isang araw para magpakalugmok. Isang araw para iflood ang timeline at ang newsfeed. Isang araw para baliwin ang sarili.

Ang mga taong hoping.. Hoping na may gawin si someone special. Hoping na may mangyaring magical.. Hoping na kiligin. Hoping. Halos lahat naman ata, maituturing na hoping e. Kahit ako.. Chararat!! 


Kahit anong pilit natin ipagduldulan na Valentine's Day is just any other day.. Eh hindi. Never magiging simpleng araw 'to. Valentine's nga e. 

Let's just make the most out of it. May mangyari mang special o wala.. :)

Trust.Believe.Wait.

I'm taking every possible opportunity to post things but.. Nah, senior life happens. 

Anyhooo, a lot of things had happened. 2012 kicked off awesomely. Well, actually, there were some down lows but, nothing beats a positive attitude

Officially, sixteen! :')
I need not to elaborate, happy sweet sixteenth to me. Haha. Hollaaaaaa. :) 

Could I just say that I received the best birthday gift ever? 

I just passed the UPCAT! :)

I've been praying for this for like, forever. I even spent all my 11:11 wishes, wishing for this. And yes, my prayers and wishes were granted. :')

Sabi nila, kung para sa'yo, para sa'yo talaga. Pinagdasal ko 'to nang todo todo. As in. 'Yung tipong sinabi ko 'Lord, package deal mo na Christmas and Birthday gift, UP lang. Please. :)' At heto na nga. Binigay na nga Niya. 

The original date for the release of the results was on February but then, several hoax statements regarding the schedule were heard.

Remember the saying... "If it's meant to be, it will be."
And yes, this is it. 

Receiving these great blessings, I actually couldn't ask for more. I'm just so blessed to be able to pass UP, UA&P and CSB. :)

And yes, I'll be entering the gates of UP this June. 

I know it's going to be a rough ride but yea, I like adventure.. and thrill... But no too much okay? :))

This is a very very very very late post. :)

Thursday, December 29, 2011

Dear Past..

2011 went terribly fast, and by terribly fast I mean, 2011 actually had everything in it. Failures, success, first love, heart aches, heart breaks, expectations, disappointments, dreams, happiness... 2011 has truly been one hell of a ride. 

*allow me to use Taglish though it is prohibited, things are better expressed through this language, so, bear wit me. Haha. This'll probably be a long post so.. Read on.


FAMILY
Let's just keep this.. private. Haha. :> Everything's fine and awesome. Though there are tough times, we still manage to keep the love alive. (Naks.) 

SCHOOL (and everything related to it...)
Isang malaking part 'to ng buhay ko. As in. Sabihin na nating corny, jologs, pretentious ang dating but it's true. Actually, kung walang school, parang, 'di ko alam kung saan ilulugar ang sarili ko. Ako kasi 'yung tipong.. Walang ibang alam kundi ang mag-aral. This is not boasting ha!! I mean, wala akong talent. 'Di ako marunong sumayaw (wag niyo ko pasayawin please), kumanta, umarte and such. Wala akong alam na instrument na tugtugin. Ang alam ko lang, sa organ, (334454321223322), 'di ko pa perfect tugtugin. Wala akong alam na sport. Pag matagal na takbuhan, hinihingal ako. 'Yung puso ko, 'di kaya 'yung mga ganon.. So, kung walang school, wala talaga akong pupuntahan. This year, school has been, a roller coaster. At one point, I was really enjoying it pero the next day halos baliktarin ko na mundo sa sobrang pagod dahil dito. Minsan tinatanong ko pa nga sarili ko, "Normal na buhay ba 'to ng isang teenager. Ba't yung ibang estudyante, ang liit ng bag, walang eye bags, nakakapag party party pa? Samantalang ako, kami walang zombie." Pero, at the end of the day, na realize ko na, kundi rin naman dahil dito sa mga hinayupak na gawain na 'to, 'di ko maabot mga pangarap ko. 'Di ko malalaman mga bagay na alam ko ngayon, 'di ko marerealize na mahalaga pala ang torque, ang center of gravity, ang median, ang mean deviation at kung ano ano pa. (Pero minsan tinatanong ko pa rin sarili ko kung para san 'tong mga 'to.. haha) Sa bigatin naming mga teachers, 'nung una, nakaka-intimidate talaga. 'Yung tipong, 'baka kainin ako nito' pero, 'di naman pala. soya lang pala. Sa tingin ko, basta't marunong ka lang sumunod, gumawa ng maganda, maging matiyaga, things will go smoothly.

Tip #1: Listen, write down, write down.
'Di lang 'to applicable sa mga lectures, applicable to sa lahat ng sasabihin ng mga teachers. Maski mga save/remember the dates pa 'yan o 'di kaya'y mga simpleng wrong grammaring nila, maganda kung mate-take down mo. I suggest na magkaron ng handy dandy notebook at hatiin ito sa tatlong part. First, to-do list/things to bring/dates to remember. Second, Your Personal Dictionary. Eto yung para sa mga wrong grammaring at spell checks  na mapagdadaanan mo, ng teacher mo at mga kaibigan mo. Third, scribble, doodle, pilas-sulat-tiklop-pasa-sa-katabi. 

Tip #2: Learn to have Teamwork.
No need to expound. Will come very handy. Know your limitations. 'Wag kang abusado.

Tip #3: 'Wag Mapraning
'Wag ka magpanic. Chill lang. Pero minsan mas productive kapag panic mode na e.. Depende naman sa'yo yun.. Learn to manage your time wisely. Unahin ang dapat unahin.. 'Wag na gawin kapag alam mo namang 'di rin gagawa ang classmates mo. (opsss.) 

Tip#4: Matutong Makiusap sa Teacher
Walang mawawala kung magtatanong ka.. 'Di masama ang sumubok. 'Nung una, takot rin akong magtanong / makiusap. Minsan, akala kasi natin, kung anong sinabi, 'yun na. 'Di na mababali ang utos ng hari, pero, ang hindi natin alam, maunawain naman pala at, pwedeng idaan sa pacute na usapan.. Konting puppy doggy eyes tapos, 'ang ganda/pogi' eh, baka pwede na. Pero, kung 'di pumayag.. Eh malas. Note: Pipiliin niyo lang ang pakikiusapan, makiramdam kumbaga. Baka kasi ma-kombo nang 'di oras. Saklap non.

Tip#5: Enjoy.
Minsan ka lang dadaan 'jan, jusko utang na loob i-enjoy mo na! Gawin mo na laaht ng gusto mong gawin. Loljk. I mean, make every second count. 

Tip#6: If all else fails, run to God.
'Nuf said. Siya na. Siya na talaga. Everything else will fall into place basta't nilapitan mo siya. :) He never fails to save us.

Going back, school has been, awfully nice. Kahit mahirap, keri lang! Dahil at the end of the day, everything will pay off. Soon, we will all be harvesting the sweet fruits of our labor.

FRIENDS
This year has been special because of these people. The people close to my heartttt. (Ewww cheesy)

-NYIP
Jusko sawang sawa na ko sa mga muka netong mga 'to. HAHA. Kidding aside, they are the best friends ever. *Teary eyed habang sinusulat to.* Actually, I can't imagine going to school without them. Kaya, natatakot akong magcollege e. Kasi alam kong, iba na yung magiging umaga ko. 'Di na ko papasok ng room tapos uupo kasama nila, magrereview, magchichismisan, magtatawanan. Kung pwede lang 'di kami maghiwahiwalay. (Sino ba kasing aalis ha! Sino ba. Paslangin na nga.) They are not just my friends. They are my sisters. And, I can't imagine life without them. Thank you, just, thank you for the almost three years of legit friendship. I love you. I thank God for giving me friends like you and I cherish everything. Every single moment that we had. 

-MNL
Shempre, mahalaga kayo. Shempre, 2011 was special dahil sa inyo. Kahit rough start, we were able to get through it. We were able to establish a family. I was truly blessed nung napasama ako sainyo. Every single one of you gals. You make MNL special. I love you galsss! :)

-MLYBT
Alam niyo namang mahal ko kayo 'di ba? Tagos sa buto, lagpas sa laman, abot sa laman-loob. We are not just batchmates, not just friends, but we are a family. Nasaksihan niyo ang lahat, nasaksihan natin ang bawat moment. Every success, every downfall. You will always have this special place in my heart. 'Di ko kayo malilimutan. Never ever ever. :) Nalagpasan na natin ang mga iba't ibang problema, natawanan ang lahat ng mga uri ng mga jokes, kinalaban ang mga kumakalaban, at eto, andito pa rin tayo. Standing strong and proud. I could say that we truly rock. \m/

-Domdomdomdom. =))
Hi Best. :) I thank God for sending you. Kahit ang sama sama mo sakin. Thank you. Thank you for being there for me, for understanding, for laughing with me. You are the best. Remember that I'll always be here for you. Kahit anong mangyari. Every heart break. =)) I'm here. Sa lahat ng ampalaya moments mo, I'm here. I'll translate deep Filipino words for you. HAHA. Basta. Alam mo na yon. Labyuu Pangs! >:D<

LOVE
HAHA. Wala ata ako nito this year? Pero lol sige na nga. May dumating tapos umalis. Meron namang  andiyan lang tapos umalis.. Pero sige wala e.  Anyway, love shall find it's own way. Mag-aral muna tayong lahat. There are more important things. :) Kung dadating, edi.. Dadating. :) Pero jusko naman 'wag naman masyadong matagal dumating. Mamaya deds na ko wala pa rin. =))) JOKE. 

LIFE IN ITS SIMPLEST AND SWEETEST FORM
This years has been awesome. Kahit na may mga tough times, nakayanan pa rin. I thank God for that. Narealize ko na napakaraming mga bagay na dapat ipagpasalamat. I was once hurt. I even cried for days. Pero narealize ko na napakaraming mga bagay na mas mahalaga, and that I should learn from my failures. As I bid farewell to 2011, I do hope it takes away every heart ache, every bitterness, every sadness, every failure. And as I welcome 2012, I am positive that this would be a better year, that this would be the year I really start to explore, to excel and to achieve my dreams. 2012 will be my year, if not, I'll still make it my year.


Sunday, December 18, 2011

On Break...

So I've been on a long blogger vacation. Last entry was way, way, way back. Talk about all the troubles of school, social life and life at its simplest form. It's not the easy to handle everything you know. (The Dilemmas of a Teenager *hahaha*)

With a series of the so-called 'marathon teaching' comes the so-called 'ultra-mega-super-duper-marathon-deadline-for-requirements'. Third quarter was really really fast. But its requirements.. Gaah. IP with its partner Thesis.. Projects sprinkled with a dash of Performance Tasks. Long Tests with a pinch quizzes. Name it, we had it. Those sleepless nights came to visit us again. *I really don't know why the week before PT week is the busiest. I mean, WHY.* 

On the brighter side, it's Christmas Time!!! Well, technically, not yet but it's very very near like, 6 days near!! *Sings Chipmunks version Christmas Time is Here* 

Coming up with an outfit + buying all the gifts is a difficult task, I tell you. And to think that we did the 'panic shopping' a day before the party... It was just... nuts!

I bought my friends a notepad from Papemelrotti and yes, for several years, I've been buying my gifts there. While my bestest friends, the cutest pens from Blue Magic. (Spoiler haha.) Circled around the mall for 6 yes, 6 straight hours just to buy gifts, clothes and shoes. 

And this is what happened during the party...


Mass. Program. Raffle.


Mass, of course any occasion must be graced with a mass, so no further explanation needed.
Program... The HSSCB took the initiative to have this short program wherein 3 people dougied (?) and the rest of the program... raffle. To think that there was a long list of winners and I didn't even win. I have really no luck with this kind of things. *sobs* Any who, the raffle prizes were snacks from Oishi I think? And 'cause two of my classmtes won, we were eating while the program was going on. I know. I know it's bad but you know, when the tummy says it's hungry, it really is. :)))


We went up to the classroom, distributed our Jollibee sponsored food... And we started eating.. must-not-talk-about-the-food-cause-it's-delicious-ha-ha-ha. 


So while we were eating.. There was this little commotion outside the room. My friend told me... "Trisha, si chenelyn nasa labas." And I was like.. Baby baby ohhh. Loljk. I didn't really know what to feel and how to react. Everyone was shouting and looking at me and what.. What am I supposed to do when the best part of me was always you... Loljk^2


So he entered and sang Harana.. 


I really appreciated what he did but my mind is set on certain priorities right now. He's been consistent and kind and hardworking and all. I mean, I'm very very thankful for the effort and such, though. :')


Going back to the party.. T'was fun. + the siomai and the barbecue were A+++++++. 


I actually thought Ella See was my partner but it turned out to be KC Ril. *Nice trick.* I also received a lot of gift from friends, not to mention Ira's delicious A+++ cupcake and Jana's cookie. :3


So the 'after party' happened at Raine Do's condo. We watched Easy A then the power died so we just had le 'photo shoot'. 


And of course, here are some snap starting from school up to the after party. :>


This is my.. "what the heck is happening" face.
Us, eating le sumptuous Jayibiiii.
Danger Zone Unite. :>
Nyip-1. Ella See's in Baguio.
Never mind.

So this is how it ends.. There's more to come during this Christmas Break. I'll be blogging about gifts and food.... And stuff! :>


I'll be sending my greetings to you soon! :)


<3,
Ly Li.


Friday, October 28, 2011

SEMBREAK NA!

Ilang linggo rin namin 'tong hinintay. Ilang araw rin naming pinagrosaryo na sana sembreak na. Sana sembreak na. Sana, sembreak na. At laaaaaaaast! SEMBREAK NA TALAGA! :'D

Time to rest, time to reflect, time to enjoy. 

'Yung feeling na matapos ang three stressful weeks, (1st week: week before pt = one of the most stressful weeks ever created; 2nd week: pt week = spell no hw but study x one thousand times.; 3rd week: completion of requirements (spell project) UN atbp.) eh, ayon at natapos rin. At, eto na nga, within our grasp na ang tumataginting na pahinga!

Imagine 12 hours of non stop sleep! Imagine eating everything you find at home. Just plainly imagine REST. Super sarap 'di ba?

Naniniwala ako na well-deserved ng mga taong TUNAY na naghirap ang isang malupit na sembreak. I mean, nagpagod at nag-effort ka nang todo, tama lang na reward-an mo ang sarili mo ng pahinga. Pero, kung wala ka namang ibang ginawa kundi matulog/tumingin sa salamin tuwing klase... Ano ka chixxx? 

Kahit na, sabihin nating mej marami pa rin ang mga dapat gawin over the sem break, (kase 'di naman talaga matutupad yung walang gagawin chuva..) eh dapat, i-enjoy pa rin natin 'to. Let's say... 25% Work 75% Enjoyment. Mapa IP man 'yan, o 'di kaya'y A.Portfolio, lectures o kahit ano pa, find time and MAKE SURE that you make this LAST SEM BREAK AS A HIGH SCHOOL STUDENT a very, very, very memorable one. 

OMGSXZX. Last.Sem.Break.As.A.High.School.Student. Third Quarter na. Parang kelan lang nung...Tapos ngayon biglang...Malapit na pala ang... Graduation! Are we ready to leave the caressing arms of our dear Alma Mater? Ilang buwan na lang ba? Kaunting kendeng na lamang at maghihiwa-hiwalay na tayo...

'Yung feeling na.. YES sa wakas. Kaso, 'yung feeling rin na... PAANO NA? Paano na ang buhay pagkatapos ng High School? May ganon rin pa lang chorva. 'Yung mixture ng saya, lungkot, takot, excitement at iba pang mga chenes! Kasi, sabi nga nila, ito daw abg best part ng pag-aaral. Ang high school. So, paano na nga? 

6 orrrr 5 months nalang. Friends, walang iwanan and limutan ha? 
Ang aga ng chorva ko pero, here goes....

CLBYG, LG, MSBT, MNL, IMG,MLYBT,LPNL

You guys made this hs life of mine very significant. You'll always have this special place in my heart. You guys were there sa mga first chenes, first churva, at lahat ng iba pang mga milestones sa buhay ko.. So, iloveyou guys! (eto na muna for now para may isusulat pa ako para sa inyo sa mga next months)
                                                                                                                                                                                                                                                                 ♥ly




Wednesday, October 26, 2011

Purpose.


Katatapos lang ng Vocation Seminar naming kanina. May ilang mga madre, may isang pari at maraming priests-to-be. ‘Nung una, kala ko wala lang. ‘Yung parang, vocation seminar… Eh ‘di sige. Tapos, naisip ko rin na baka naman sa seminar na ‘yon, ma-feel ko na tinatawag ako ni Lord. Actually, ‘di ko talaga alam kung anong dapat i-expect ‘dun sa seminar…

Madaming nagsalita, medyo mahahaba pa nga na tipong, nawala na rin yung atensyon ko ‘dun sa mga speaker kasi tinaguriang holy hour ‘yung schedule ng seminar. Biglang kumanta sina brother at ‘wag ka, dinamay pa kami. Na pa ‘Yes Lord. Yes Lord. Yes, Yes, Lord.” Pa nga kami eh. Tinuruan pa kaming maglaba ‘nung mga seminarista. Siyempre, nabuhayan naman kami. Sa wakas… Plenary na. May ilang mga nagtanong,  sa totoo lang, medyo hiniling ko na nga na wala nang magtanong eh, ‘yung tipong, ‘Please tama na. Uwi na tayo.’

Sabi nga ni Mrs. Apol, ‘di naman nila ineexpect na after nung seminar eh bigla nalang maisip namin na magmadre o di kaya nama’y magpari. Siguro, ang aim nila eh ‘yung maipakita sa amin ng ganito pala ang buhay, na marami palang puwedeng mangyari. Dagdag pa ‘ron, siguro gusto nilang at this very moment, hanapin na namin ‘yung purpose namin sa buhay, ‘yung hanapin na naming kung nasaan ba talaga ‘yung puso namin, ‘yung pumunta na kami ‘dun sa path na gusto ni Lord para sa amin. Naks.

‘Eh ‘di ayun nga, natapos ang araw. Sumakay na ako ng tricycle. Ibang klaseng ride pauwi ang naranasan ko. Ewan ko lang ha, pero ang lalim talaga nung iniisip ko. Isama mo pa ‘yung tahimik na motor ng tricycle, as in ‘di talaga maingay, parang wala lang kaya kung anu-ano tuloy ang naisip ko…

Dumaan kami sa isang eskinita - madilim, mapanghi, mabaho. Tapos doon ko na naisip, ‘bat kaya may ganito? May naisip akong ibang tao at nawala yung atensyon ko doon sa dinadaanan namin. Natuon na lang ulit ‘yung atensyon ko nung malapit na sa Greenwoods. Bago kasi dumating ng Greenwoods, may madadaanan munang parang squatters area, ewan ko kung squatters yun o sadyang mahirap na barangay lang. Tapos, may bata sa may kanto, umiiyak. Nakaupo siya sa patung-patong na mga basura, malapit sa dalawang asong naghahalukay din ng basura. Napaisip ako. “Bakit kaya ganito ang mundo? Bakit may mga batang kailangan maranasan ang ganito?” Pagkatapos ‘non, naisip ko na “Sana mabago ko ang mundo.” ‘Yung alam mo ‘yon, ang broad, ang hirap, ang ambitious. Pero, naisip ko lang talaga. Baka ‘yun yung vocation ko? Baka something related to helping people? Something related to changing the world?

Actually, ‘di ko alam kung pano sisimulan. Kung matutupad ko ba talaga. Kung kaya ko.  SANA, makaya ko. ‘Yung bago manlang ako maging deadz eh may magawa akong SOMETHING na makabuluhan. Gusto ko malaman kung anong vocation ko... Kung anong purpose ko... Ito kaya? Or there's something else? Pero bakit ko naman naisip na gusto kong baguhin ang mundo? BASTA. Basta lang siyang pumasok sa puso at isipan ko. May something. Sana. 

Sa Soup Kitchen, naka-encounter na ko ng mga kids na katulad nung nakita ko kanina.. 'Tas parang, sayang yung opportunity sa soup na makagawa ng difference. Ewan. Parang, sana pala ganito ginawa ko, sana pala..  Pero sabi nga nila, everything happens for a reason. So siguro, dapat paghandaan ko muna kung anong dapat gawin. Dapat isipin ko munang mabuti kung ano talaga purpose ko.. 

Ano nga kaya ang purpose ko 'noh?

Gaah. It would be so awesome if I’d be able to do something for the world, wait, ‘wag agad world, kahit yung mga street children lang dito sa may labas ng Greenwoods or basta, kahit ano na magiging first step para matupad ko ‘tong feeling ko na vocation ko…

Ano nga kaya ang purpose ko....

Life is just so precious para sayangin at hindi tuparin ang ‘vocation’ mo. So, find it, fulfill it, live it.


*Ang serious noh? Eto epekto nung seminar sa akin kanina. Kahit na mej inaantok-antok ako, tinamaan pala ko kahit papano.