Wednesday, February 15, 2012

Walastik.

Sino ba kasing nagsabing makipagbreak ka? Sino ba kasing nagsabing iwanan mo siya? Ganyan yan! Kagagahan kung tawagin.

Wala naman siyang ibang ginawa kundi pasayahin ka. 'Yung tipong, "yes dear." nalang nga lagi ang sagot niya sa'yo pero ano? Wala, wala pa rin. Hindi ka pa rin nakuntento. Kailangan mo pa talagang humanap ng iba?

May mga tao talagang wala, 'di ko maintindihan takbo ng utak. Makikipagbreak tapos hahabulin? Kung mahal mo talaga siya, bakit mo pinakawalan in the first place?

Wag na wag mong isasagot ang cliche na "If you love him, set him free. If he comes back, it's meant to be." Ururrrr! Hindi lahat ng cliche applicable sa totoong buhay! Feeling mo isang novel with a sweet and happy ending ang mangyayari kung magrerely ka sa gantong statement? Mahal mo nga e. Bakit mo pa pinakawalan? Ang buhay ay parang Quiapo, maraming snatcher. Shushunga shunga, nasnatchan, kung kelan naitakbo na, tiyaka magtatatara. Labo pare.

Nakakainis na Break up line number one.
"Mahal ko pa pala yung ex ko.."
-Kung mahal mo pa ex mo, bat ka pa nagmahal ng iba? Ano testing lang? Makikipagbreak, lalandi ng iba, iiwanan yung nilandi, babalik sa binreakan. Aba. Teka muna. Sabi nga ni lola Amor, "Sinuka mo na, ibabalik mo pa?" 

Nakakainis na Break up line number two.
"It's not you, it's me."
-Eh talagang It's you! Ikaw 'yan. Ganyan 'yan! Ewan ko kung bakit parang, ano use ng line na 'yan? Pampalubag loob? Na kunyari hindi niya kasalanan kung bakit ka nakikipagbreak? Na ikaw 'yung may diperensya? Sa tingin mo ba effective yung ganon? Dood, isipin mo. Sinabi mo na "It's me." Mas mapapaisip pa si binreakan ng.. "Bakit kaya? Ano kayang naiisip niya? Narealize na niya yung mga pagkukulang ko? Hindi na ba siya masaya?" Which leads to the downfall of the binreakan kasi iisipin niya na kung siya't siya pa rin ang dahilan ng pagkakaroon mo ng mga doubts..

Nakakainis na Break up line number three.
"I need space."
-Hala sige eto space kainin mo. Nganga!

Hindi ko aim na i-condemn ang mga taong nakikipagbreak or something. Ang gusto ko lang, marealize ng mga tao kung gaano kahalaga ang panindigan ang isang bagay na sinimulan. Ang isang bagay na baka kapag nawala, hindi na maibabalik pa. 

Mahirap lang kasi mabuhay nang may regrets, "What if's", "Paano kaya kung..", "Sana pala.." 

Andami kasing narerealize yung kahalagahan ng tao kapag mawala na.. kapag it's too late.. kapag may iba na. Tapos ano, may I weep and feel bad and listen to bitter ouch ouch songs nalang ang magagawa. May iba naman, magsisikap, susubukang balikan ang masakit lang, yung binabalikan, natauhan na. Narealize na there's more to life than waiting for you to come back kaya ayon. Fly fly away ang drama at ikaw, wala, naiwan. Isang uhaw ang tigang na lupa.

Nakakatakot isipin na baka dahil sa padalos-dalos na desisyon, makagawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo habambuhay.. drama lang.. 

Pero seryoso, mahal mo nga 'di ba? 'Bat mo papakalawan dahil lang sa isang pagsubok? May mga bagay na dapat malaman ipaglaban. Mga bagay na dapat pahalagahan nang sobra sobra.

Kaya kung nabigyan ka na ng isang chance na makasama siya, 'wag mo na sayangin. 'Cause not everyone is given and is deserving of what movies and novels call 'second chances'. 

No comments:

Post a Comment