Monday, February 13, 2012

Isprikitik.

Ang araw na 'to.. Araw ng mga in love... Araw ng mga may ka-chorvahan. Araw ng mga umiibig. 

Para sa mga umiibig at iniibig rin pabalik, the best 'tong araw na 'to. As in, mega handa si boylet ng letter, roses, cake at kung anik anik pa. At narito naman si girl na kunyari walang alam at may I act like I'm so sarpraysd pero deep inside.. Alam naman niya na mangyayari yon. Nonetheless, kilig pa rin!! 'Yung tipong 'Hala sige! Kami na may love life. Kami na masaya. Mainggit kayong lahat!' Chararat.

Para doon sa mga umiibig pero hindi naman iniibig pabalik, isang araw na dapat paghandaan, 'yung tipong, baka sakali, baka sakaling may mabago sa araw na 'to. "Pangarap ko kasing maging single habang buhay.. Sana ikaw na ang sumira sa pangarap ko." Ayon. Ganon ang drama. 

Para doon sa mga iniibig, pero 'di naman nila type 'yung umiibig sa kanila, sakto lang. Kinikilig kahit papaano, feeling maganda. Kunyari ayaw pero sa huli tatanggapin rin naman. Ganyan 'yan! 'Yung, kunyari tataguan 'yung may gusto tas biglang mako-corner.. Pero deep inside nafflatter rin naman. Aba, buti nga't may nakakaappreciate sa pagkatao mo. 'Wag na magmaganda atih.

Para naman 'don sa mga umiibig na ni hindi man lang siya kilala ng iniibig niya, ang saklap lang. Gusto mo sanang gumawa ng something special pero, wala e. Naunahan ka ng.. 'E hindi niya naman alam..' 

Hindi naman dapat alisin sa listahan ng mga nagcecelebrate yaong mga bitter, hurting at mga hoping. Sina ateng uhaw ang tigang na lupa ang drama...

Para sa mga bitter... Ang hirap i-categorize ng mga taong bitter. Hindi mo malaman kung bitter ba siya kasi hurting siya dahil kabebreak lang nila or bitter siya dahil sadyang inggitera lang talaga. 

Ang dalawang side ng bitter tuwing Valentine's..

Side Number 1: Bitter ako kasi wala lang, nakiki-uso lang. 
(In short, trip lang)

Kairita 'tong mga ganto. 'Yung tipong, 'Anong araw ba bukas? -.-' Loko. Ilang taon ka na ba? 9? Wala kang karapatang magtampo sa Valentine's kung wala kang sapat na rason pare. Napakaraming dapat ipagdiwang, 'wag ka maging bitter kung 'di naman talaga. 


Side Number 2: Bitter ako kasi Hanggang ngayon, ang sakit pa rin. Ang sakit sakit.
(In short, Hurting pa si ate.)

Paano ka nga naman makakapagcelebrate ng Valentine's kung durog, basag at yupiyupi ang puso mo? Ang sakit lang. Ano, binreak-break mo pa kasi.. Ngayon lulungkot lungkot ka, iiyak iyak.. Ganyan 'yan!! Nagpapadala kasi sa init ng ulo. kalurks. Mas masakit, 'yung ikaw yung binreakan! 'Yung tipong, wala ka namang ginagawang masama, naging isang mabuting jowa ka lang naman pero ano, your best wasn't good enough pa rin para sa kaniya! Ganyan 'yan! 'Yung mga ganong tipo, hay, 'di na dapat binabalikan! (may pinaghuhugutan lang ang peg?) Hurting. Ewan ko nga kung ano pa ibig sabihin ng Valentine's day sa bokabolaryo ng mga taong 'to e. (taong 'to talaga?) 

Valentine's Day para sa mga Hurting:
Isang araw para makipagdate sa kama. Kumain ng ice cream. Manood ng 'One More Chance' nina Popoy at Basha pati na ng 'Pano na Kaya' nina Mae at Bogs. Isang araw para basahin lahat ng mga lumang love letters, yakapin ang mga inaalikabok na stuff toy at makinig sa 'bitter ouch ouch' playlist. The playlist which consists: Rolling in the Deep, Dahan, Breakeven, Long Gone and Moved One, Heaven Knows, Someday, Let Me Be The One. Isang araw para magpakalugmok. Isang araw para iflood ang timeline at ang newsfeed. Isang araw para baliwin ang sarili.

Ang mga taong hoping.. Hoping na may gawin si someone special. Hoping na may mangyaring magical.. Hoping na kiligin. Hoping. Halos lahat naman ata, maituturing na hoping e. Kahit ako.. Chararat!! 


Kahit anong pilit natin ipagduldulan na Valentine's Day is just any other day.. Eh hindi. Never magiging simpleng araw 'to. Valentine's nga e. 

Let's just make the most out of it. May mangyari mang special o wala.. :)

No comments:

Post a Comment