"So many girls fall in love with the wrong guys simply because the wrong guys say the right things."
Para doon sa mga paasa, pinaasa, nagpapaasa at umaasa ang blog post na ito..
Bakit ba kasi andaming paasa sa mundo? Lahat ng paasa dapat, chinuchugi. Who gave you the actual right to play with someone's feelings? Ganyan ka ba kagwapo / kaganda at keri mong mag-paasa? Ganyan yaaaan! 'Yung tipong sweet-sweetan.. Sasabihin pang "I'm Yours" tapos hindi naman pala totoo. I'm Yours tapos may ibang babae pala? Ganyan yan!!! 'Yung feeling na ang saya saya mo na. Na kaunti nalang e maibibigay mo na 'yung "oo" at mapapalitan na ang ikaw at ako ng "tayo" pero hindi na nangyari kasi nga, paasa lang siya!
Ewan ko rin naman doon sa mga taong umasa, umaasa... Minsan hindi naman talaga intensyon nung tao na paasahin ka... Ang problema, sobrang tindi mo lang mag-assume. 'Yung tipong, wala siguro nadala sa mga flowery at sugar coated words or baka minsan, hindi lang madistinguish ang genuine at ang peke. Hindi naman kasi porke't araw-araw kayo magkausap, magkachat at magsilayan e ibig sabihin may 'something' na. Hindi lahat ng ganyan, totoo. May ibang wala, wala lang talagang magawa sa buhay, bored kumbaga. Pero hindi naman sa lahat ng oras, boredom ang pinagmumulan ng pagpapaasa...
May ibang, sadyang... Malandi lang talaga. 'Di na nakuntento sa isa. Palaging dapat may back up plan. May reserba. Bakit nga kaya?
May iba namang, sobrang bilis magfall. Kaunting bola lang, ayun. Bigay na ang loko sa huli sinong talo?
Sa panahon ngayon, mahirap, sobrang hirap na humanap ng true at genuine love. Maraming excited lang talaga. Maraming paasa. Maraming malandi. Maraming wala naman talagang pakialam sa tunay na nararamdaman ng tao... Kaya nga lagi kong sinasabi na 'wag na pakawalan ang isang bagay na alam mong mahalaga sa'yo...
Sabi nga ng friend ko, "Ang pagiging paasa para siyang sakit na pag pinagpatuloy lalala pag hindi naagapan lalala until maging part mo na talaga."
No comments:
Post a Comment