Katatapos lang ng
Vocation Seminar naming kanina. May ilang mga madre, may isang pari at maraming
priests-to-be. ‘Nung una, kala ko wala lang. ‘Yung parang, vocation seminar… Eh
‘di sige. Tapos, naisip ko rin na baka naman sa seminar na ‘yon, ma-feel ko na
tinatawag ako ni Lord. Actually, ‘di ko talaga alam kung anong dapat i-expect ‘dun
sa seminar…
Madaming nagsalita,
medyo mahahaba pa nga na tipong, nawala na rin yung atensyon ko ‘dun sa mga
speaker kasi tinaguriang holy hour ‘yung schedule ng seminar. Biglang kumanta
sina brother at ‘wag ka, dinamay pa kami. Na pa ‘Yes Lord. Yes Lord. Yes, Yes,
Lord.” Pa nga kami eh. Tinuruan pa kaming maglaba ‘nung mga seminarista. Siyempre,
nabuhayan naman kami. Sa wakas… Plenary na. May ilang mga nagtanong, sa totoo lang, medyo hiniling ko na nga na
wala nang magtanong eh, ‘yung tipong, ‘Please tama na. Uwi na tayo.’
Sabi nga ni Mrs.
Apol, ‘di naman nila ineexpect na after nung seminar eh bigla nalang maisip namin
na magmadre o di kaya nama’y magpari. Siguro, ang aim nila eh ‘yung maipakita
sa amin ng ganito pala ang buhay, na marami palang puwedeng mangyari. Dagdag pa
‘ron, siguro gusto nilang at this very moment, hanapin na namin ‘yung purpose namin
sa buhay, ‘yung hanapin na naming kung nasaan ba talaga ‘yung puso namin, ‘yung
pumunta na kami ‘dun sa path na gusto ni Lord para sa amin. Naks.
‘Eh ‘di ayun nga,
natapos ang araw. Sumakay na ako ng tricycle. Ibang klaseng ride pauwi ang
naranasan ko. Ewan ko lang ha, pero ang lalim talaga nung iniisip ko. Isama mo
pa ‘yung tahimik na motor ng tricycle, as in ‘di talaga maingay, parang wala
lang kaya kung anu-ano tuloy ang naisip ko…
Dumaan kami sa
isang eskinita - madilim, mapanghi, mabaho. Tapos doon ko na naisip, ‘bat kaya
may ganito? May naisip akong ibang tao at nawala yung atensyon ko doon sa
dinadaanan namin. Natuon na lang ulit ‘yung atensyon ko nung malapit na sa
Greenwoods. Bago kasi dumating ng Greenwoods, may madadaanan munang parang squatters
area, ewan ko kung squatters yun o sadyang mahirap na barangay lang. Tapos, may
bata sa may kanto, umiiyak. Nakaupo siya sa patung-patong na mga basura,
malapit sa dalawang asong naghahalukay din ng basura. Napaisip ako. “Bakit kaya
ganito ang mundo? Bakit may mga batang kailangan maranasan ang ganito?”
Pagkatapos ‘non, naisip ko na “Sana mabago ko ang mundo.” ‘Yung alam mo ‘yon,
ang broad, ang hirap, ang ambitious. Pero, naisip ko lang talaga. Baka ‘yun
yung vocation ko? Baka something related to helping people? Something related
to changing the world?
Actually, ‘di ko
alam kung pano sisimulan. Kung matutupad ko ba talaga. Kung kaya ko. SANA, makaya ko. ‘Yung bago manlang ako maging
deadz eh may magawa akong SOMETHING na makabuluhan. Gusto ko malaman kung anong vocation ko... Kung anong purpose ko... Ito kaya? Or there's something else? Pero bakit ko naman naisip na gusto kong baguhin ang mundo? BASTA. Basta lang siyang pumasok sa puso at isipan ko. May something. Sana.
Sa Soup Kitchen, naka-encounter na ko ng mga kids na katulad nung nakita ko kanina.. 'Tas parang, sayang yung opportunity sa soup na makagawa ng difference. Ewan. Parang, sana pala ganito ginawa ko, sana pala.. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason. So siguro, dapat paghandaan ko muna kung anong dapat gawin. Dapat isipin ko munang mabuti kung ano talaga purpose ko..
Ano nga kaya ang purpose ko 'noh?
Gaah. It would be
so awesome if I’d be able to do something for the world, wait, ‘wag agad world,
kahit yung mga street children lang dito sa may labas ng Greenwoods or basta,
kahit ano na magiging first step para matupad ko ‘tong feeling ko na vocation
ko…
Ano nga kaya ang purpose ko....
Life is just so
precious para sayangin at hindi tuparin ang ‘vocation’ mo. So, find it, fulfill
it, live it.
*Ang serious noh?
Eto epekto nung seminar sa akin kanina. Kahit na mej inaantok-antok ako,
tinamaan pala ko kahit papano.
No comments:
Post a Comment