"At hindi dahil alam mong hindi niya kayang mawala ka, eh aabusuhin mo na. Dahil pag yan nagising sa katangahan, siya ang magiging pinaka matalinong tao na hinding hindi mo na mababalikan."
Hmmm. Paano ko nga ba 'to sinisimulan? Sa bilis ng utak ko humanap ng mga salita basta blog post, bakit parang hirap na hirap akong sumulat ngayon? 'Yung tipong, kailangan ko pang magbukas ng Tumblr para humanap ng mapagsisimulan... At dahil nga hindi ko magawang humanap ng mga angkop na salita... Eto na. Game.
Bakit nga ba ako nagsimula dito sa picture na 'to? Ewan ko. Basta. Feeling ko akma lang... Mayroon kasing mga taong 'di marunong magpahalaga... O siguro nakalimutan lang... O siguro nalilito lang. Hindi ko naman talaga alam. Minsan, nararamdaman ko lang, naoobserbahan sa mga taong nakapaligid sa akin...
Minsan ka lang makakahanap ng taong handang ibigay ang araw at ang buwan sa'yo... 'Wag mo nang pakawalan. Minsan ka lang makakatagpo ng taong handang isakripisyo ang lahat para sa'yo... Ipaglaban mo naman. Minsan ka lang makakahanap ng taong tunay na magmamahal sa'yo... Pahalagahan mo naman.
May mga bagay na dapat alam natin kung paano ipaglaban. 'Yung uring, alam mo kasing tunay at totoo kaya hangga't kaya pa, hangga't pwede pa, susubukan mong ipaglaban. Susubukan mong iligtas... Susubukan mong ayusin.
Doon mo lang kasi malalaman na tunay yung pagmamahal e. Mararamdaman mo naman kasi 'yon. If it's worth fighting for... :)
Pero hanggang saan nga ba? Paano kung hindi na pala worth it ang ipinaglalaban mo?
Hanggang saan mo ipaglalaban? Hanggang saan ka magpapakamartir? Hanggang saan?
Minsan kapag kasi sumobra na ang pagmamahal, nagiging katangahan na. 'Yung tipong, binabalewala ka na nga... 'Yung masaya na siya doon sa piling ng iba pero heto ka pa rin. Daig pa ang teletubbies sa pagpapacute at pagpapasaya sa kaniya... Payag ka bang option ka lang? Reserve? Bench Warmer? Break Glass in Case of Fire Jowa?
Kailangan mong magtira para sa sarili mo. Oras na ibigay mo lahat, kapag 'yan nawala, wala na ring matitira sa'yo. Maski pride mo. 'Di mo namamalayan, nawawala na rin. Oo, minsan kailangan mong babaan ang pride mo pero kailanman, ang tunay na pag-ibig hindi hihilingin sa'yo na isantabi mo ang pride mo bilang kapalit.
Kaya nga yun nga e. Nagbibigay ka ng ilang chances kasi mahal mo. Paulit ulit naman niyang binabalewala. Tama pa ba 'yon? Utak rin.. Utak.
Kailangan mong magising. Magising mula sa artificial happy chenelyn bumbum. 'Yung tipong... Kapag sobrang binabalewala ka na... Kapag sobrang pagbibigay na... Kapag abusado na... Gising gising rin. :)
Paulit ulit kong sinasabi... Pahalagahan mo. Ingatan mo. Never take love for granted. Appreciate what you have. :) Kasi darating ang araw... Hindi na magiging uso ang 'Second Chance.'
Gusto ko lang makita niyo kung gaano kahalaga ang patagalin ang isang samahan... Kung gaano kasuwerte ang mga taong may minamahal... Kung gaano kahalagang ingatan ang isang relasyon...