Bigla 'kong namiss ang mga babae sa itaas. Parang kailan lang 'nung huli kaming nagkita-kita. Parang kailan lang 'nung una naming makilala ang bawat isa. Parang kailan lang.. Pero sabi nga nila, all good things must come to an end. Mahirap, pero ganon talaga. Kahit na sabihin nating kasama ko pa rin ang kalahati sa mga baklang 'to, iba pa rin. Iba pa rin talaga kapag buo. Eto nanaman. Ang drama. Kasalanan 'to nung mga naglabas ng video nung retreat. 'De joke. Namimiss ko na talaga sila. Lalo na nung nakita ko yung video. Parang, hayy. Hindi na ulit 'yon mangyayari. Hindi na. Kahit na sabihin nating nagkaroon ng mga problema, mga tampuhan, mga kadramahan, lahat 'yon tinabunan ng mga masasayang panahon naming magkakasama. Mga bayahanihan tuwing umaga, mga tawanan tuwing recess at lunch (lalo na kung walang test para sa next subject), mga kapraningan sa facebook at Y!M, ang pag-sstay sa room para magpractice at magdecorate, ang pagsingil ni Trixi ng class fund, ang paghikab ni Riagie sa klase ni Ms. L. (na ikinagalit niya), ang pagsasabi ni Ms. S. ng BE HUMBLE every 5 minutes ('dejoke.).. Lahat ng mga yan namimiss ko.
Alam kong kailangan na nating tahakin ang iba't ibang daan. Alam kong 'di magtatagal, tuluyan na tayong magkakahiwahiwalay. Alam kong tatanda tayo, magkakaroon ng mga pagkakataon na makakilala ng mga ibang tao pero hinding hindi kayo maaalis sa puso ko. :)
We are starting a new chapter of our lives, we may grow apart, but one thing's for sure.. That we will never forget each other and in the future, when we look back, we'll just smile and be very thankful that at one point in our lives, we had the chance to spend more than ten months together.
Remember, the greatest gift is not found in a store nor under a tree, but in hearts of true friends.
-Cindy Lew
No comments:
Post a Comment