Friday, October 12, 2012

Hindi Ka Susuko

"Ang hirap talaga. Sobra. Ang hirap hirap."

Minsan, umaabot sa point na parang mafi-feel mo nalang na wala na. 'Yung mga waking moments mo eh "Ughhhh bagong araw na naman." "Ughhhhh life." 'Yung point na wala nang nakakaexcite, monotonous na lahat dahil lang sa isang problemang hindi mo malampas-lampasan. Nakakatamad talaga. Nakakasawa. Nakakapagod. ---- kasi, nakakatakot.

Nakakatakot na baka hindi maging enough lahat ng ginawa mo. Nakakatakot kasi baka hanggang sa kahuli-hulihang pagttry mo na malampasan at magawan ng paraan 'yung problema eh kulang pa rin, talo pa rin. Nakakatakot 'yung sasabihin ng ibang tao. Nakakatakot masawi. Nakakatakot matalo. Nakakatakot malaman na hindi pa rin sapat lahat ng ginawa mo.

Pero bakit natin kailangang matakot? Bakit kailangang magdalawang isip at mawalan ng tiwala sa sarili? Bakit kailangang isipin 'yung sasabihin ng iba? Ano ba talaga... Kailan mo ba talaga masasabi na nalampasan mo na ang isang problema? 

Sabi sa napakaraming telenovelas at teleseryeng napanuod ko... " Walang problemang hindi kayang lampasan." "Hindi naman magbibigay ang Diyos ng problemang hindi kayang lutasin." Oo. Cliche, gasgas at masyadong cheesy. Pero kahit saan nating tignan... Totoo. 

Ang basehan ba ng kung nalampasan mo ang isang problema eh ang feed back ng tao / ang material thing na nakuha mo pagkatapos nito? 'Di ba hindi naman.

Hindi ba't mas maganda kung hindi tayo magiging masyadong mababaw. 'Yung kahit minsan lang, subukan nating tignan 'yung nasa ilalim pa nung mga problema at nung mga pangyayari sa buhay natin? 'Yung hindi lang 'yung kung anong sinasabi ng iba yung iintindihin mo. 'Yung hindi ka nalang bigla-biglang susuko kasi pagod ka na. 'Yung hindi ka nalang basta-basta susuko. 

Minsan kasi, pinangungunahan tayo ng takot. Kundi takot, hiya. Kundi hiya, katamaran. Kundi katamaran, pagiging nega at kawalan ng tiwala sa sarili. 'Yung parang.. Sige konting pagkasawi, wala na. Wave the white flag na agad...

Pwede namang... Kapag nadapa ka. Sige lang. Take time. Umiyak ka. Namnamin mo 'yung sakit. Pero utang na loob. 'Wag ka namang nakadapa nalang habambuhay. Subukan mong tumayo ulit. Subukan mong takbuhin ulit yung dahilan ng pagkadapa mo. Pero habang tumatakbo ka. 'Wag mong kakalimutan na minsan ka nang nadapa. Na, masakit madapa. Mahapdi. Para naman sa ganon, magiging mas maingat ka at di ka na ulit madadapa. 

Basta, huwag kang susuko. May mga bagay na once naisuko mo na, tsaka mo lang malalaman kung gaano kahalaga. Okay lang madapa. Okay lang magkasugat. Maraming band-aid sa paligid. Ang mahalaga, hindi ka sumuko.

No comments:

Post a Comment