" Konting tulong lang po pambili ng pagkain. "
It has been like forever since I last blogged and yeahhh, UP rocks. Rocks in two ways. First, it's super saya there as in party party with my blocmates and all the activities and all. Second, it literally rocks as in bato. It is hard. Yep. I mean that in both ways. Hard basta hard. Hard pero masaya pero hard. Haha labo.
Going back to the reason why I felt the urge to blog... Back in HS, I didn't really like to ride jeepneys. As in. Iiwas ako sumakay ng jeep hangga't pwede. Pero since, wala namang tricycle from UP to Pasig, I had to learn and to like riding jeepeneys. As in. 4 jeeps in a day.
So sa jeep, super daming nangyayari. May mga lovers na kala mo ahas magpuluputan, merong mga barkadang nakakainis kasabay sa jeep kasi ang ingay, merong mga tulog na bumubula pa yung laway and, merong mga pumapanik na kung ano anong elemento.
Kanina, pagsakay ko, mej maluwag pa yung jeep. Tas sumakay na yung ibang tao pero maluwag pa din. Biglang may sumakay na pamilya na alam mong less fortunate. Tas namigay sila ng envelope na may sulat. 'Yung usong style ng panghihingi ngayon. Lagi ko iniisip, may pambili sila ng envelope pero ng pagkain wala? Pero nakakaawa. Ewan ko. Pagpanik palang nila nung jeep, naawa na ko kasi may baby silang kasama. Tas yung mukha nung babae, nakakaawa. Sayang lang pala yung awa ko. Mali pala na naawa pa ko. I do not mean that in a taong walang pake way pero nakakainis lang talaga.
Nagbigay naman ako ng barya. Kasi nga naawa ako. Kasi inisip ko ano ba naman yung barya diba. Tas yung iba kong kasakay, di nagbigay. Alam niyo ba ginawa nung babae?
Yung envelope, dinuldol niya sa face nung babaeng di nagbigay. Kasi diba, ibabalik mo dapat yung envelope sa kanila? So, nung binalik nung kasakay ko na babae na walang laman, daming sinabi nung babaeng naghihingi. Tas nung dinuldol niya nga yung enevelope, natakot yung kasakay ko, so nagbigay siya para tapos na yung usapan.
Meron pa kong isang kasakay na di rin nagbigay. Lalaki naman. At alam niyo ba ginawa sa kaniya? Pasimpleng inapakan nung lalaking naghihingi yung paa nung lalaking di nagbigay. As in I saw it with my own two eyes. Yung alam mong 'di aksidente. Yung alam mong sadya! Akala ko, mej napapalean lang siya dun sa lalaki kasi nga may dala siyang baby pero nung nakita ko talaga na inapakan as in nagtwist sa ibabaw nung paa nung lalaki yung paa niya and, bumakat yung paa niya dun sa paa nung lalaki, I was like what the fudge!!!!!!
Naawa pa man din ako sa kalagayan nila. Inisip ko pa naman na dapat tulungan ko sila kasi ganun yung sitwasyon nila pero after what they did dun sa mga 'di nagbigay... Parang bakit may mga ganong tao ngayon!!!!!
Ang lakas nung mag-asawang naghihingi. Magtataka ka kung bakit nanghihingi sila imbis na nagttrabaho. Hindi ko alam kung nasan yung problema kung bakit wala silang trabaho. Yung lipunan ba o sila mismo. Pero alam kong may problema sa ugali nila. Nakakafrustrate lang na ganoon na pala ang mga tao sa mundo ngayon. Nakakadisappoint.
Share lang ng experience ko today. As in I'm super frustrated hanggang ngayon. Bakit sila ganon? Bakit?!
No comments:
Post a Comment