Saturday, December 8, 2012

Can this be Lurlur?

Actually, dapat isusulat ko lang to sa journal ko pero sige. Feel ko naman na oras na para magblog ulit ako after 3253453 years so game. Oras na para magreflect at kausapin ang ating mga inner 'lurlurs'.

lurlur (n. / adj. / v. ) 
ang paglalandi, pag-aaura, pagdadamoves ng isang tao sa kapwa tao niya                                             

Use it in a sentence:
 (1.) Lulurlur ka? (Lalandi ka? Gagala ka? Aaura ka?)                                             
 (2.) So ano nilulurlur ka niya? (So ano, dinadamoves-an ka niya?)
 (3.) Lurlur ka!!! (Malandi ka!!!)
*atbp. minsan, context clues lang ang kailangan haha.

Pano nga ba masasabi na nilulurlur ka ng isang tao? or kung posibleng magblossom into some meaningful lurlur ang kung ano mang mayroon kayo ngayon? Minsan, maganda ding tanungin kung paano ba maiiwasan ang lumurlur? Paano ba malalaman kung sumosobra ka na sa panglulurlur? Ugh. Ang dami diba. Ano 'wag nalang? 'Wag nalang tayo lumurlur lahat para tahimik ang buhay at ikain nalang natin 'to. Chozz.

Game. 
Lurlur #1. Kelan mo masasabing nilulurlur ka ng isang tao?
Siyempre, ayaw naman natin masabihan tayo or mabasagan tayo ng A word. A word meaning, isang malaking Assumera. Isang malaking Asa. Isang malaking Awawa Aman. Haha. Pero badtrip naman kasi talaga minsan e. 'Yung mga tipong sobrang concerned, OA magpakita ng kabutihan, lagpas sa normal na ginagawa ng normal na kaibigan mga effort na pinapakita tapos... Tapos... Tapos... Wala lang pala. Sobrang friendly lang pala. Badtrip diba. Ikaw na nga yung natanga, ikaw pa naging assumera. HAHAHA. Kalma lang kasi muna, double check kung lurlur na ba talaga yung nagaganap o sadyang friendly lang siya para maiwasan yung A moments. Badtrip. haha.

Lurlur #2. Kelan mo masasabing magbblossom ang lurluran na mayroon kayo?
Luuhh, 'di ko din alam. Pero you'll feel it naman diba pero minsan talaga deceiving eh kaya dapat magdouble check. Ask the opinion of others. Consult your doctors. Chozz. Pero 'di nga, pano mo nga malalaman kung 'di mo tatanungin? Pero pano kapag tinanong mo, mapahiya ka naman... Pero pano kapag pareho lang pala kayong pa-tame ang peg.. Pano kung dahil sa hindi mo pagtatanong e hindi na tuluyang magblossom? Aww. Siguro minsan kailangan lang talaga ng courage. Courage para magtanong at kung sakali, masaktan, masawi, malaslas puso. Make sure lang siguro na worth it yang kung ano mang mayroon kayo para paggamitan mo ng sobrang daming ipon mong courage. Kumbaga, kung worth it ba 'yan pag-invest-an ng lahat ng ari-arian (nuxx econ skillz chozz) Kasi kung 'di ka pa sigurado, baka mamaya 'di ka lang malugi, masimot pa lahat ng mayroon ka. At sa sitwasyon ng ekonomiya ngayon, one can't afford too much heartaches. 

Lurlur #3. Pano ba malalaman kung sumusobra ka na sa paglulurlur?
Minsan OA na 'yung dating ng panglulurlur mo. Minsan, di na lurlur, creepers na. (lalo na kung di naman pogi/maganda creepers agad yun di yun magiging lurlur chozz haha) So 'yun nga. Minsan, 'di naman masamang magmaganda kahit papano. Magpakipot, mag-ala Maria Clara kung minsan. 'Yung kung bet mo, sige lurlur, play the game pero 'yung sakto lang. 'Yung 'di naman oa. Sample, kung sa text oa ka mag-abang na tipong shet ba't 5 minutes na di pa siya nagrereply. O kaya yung dinaig mo pa yung prepaid balance check ng Globe sa sobrang express ng reply mo. Minsan try mo maghintay ng mga 5 minutes bago magreply para 'di obvious na kilig up to the pancreas ka tuwing may exchange of messages kayo. Saktong paglulurlur lang mga kapatid. Hindi yung mega lurlur hindi rin naman yung pa-tame pa ang peg 'di naman tame...

Ayan, ilan lang 'yang mga lurlur na 'yan sa sobrang daming nakakalito at nakakabadtrip na lurlur na nagcocoexist dito sa mundo. Siguro, it's a matter of sorting and handling your lurlurs well. Pero, tandaan, 'wag magmamadali sa paglulurlur at baka sa maling lurlur bumagsak. Take your time. Kumalma. Dadating at dadating din 'yan. Sa takdang lurlur season.

Happy Lurlur-ing!

Thursday, November 1, 2012

I Hope You Don't Mind

"...Being genuinely confused with life and unsure what step to take next. (This is not the same as knowing what’s right but not wanting to do it. This is being legitimately lost.)"

 So I'm this overly optimistic blogger who's experiencing the greatest irony of life right now. I think I have lost all the hope I have... I just don't know what I'm doing with my life. After practically failing at the only thing I'm good at (or at least I think I'm good at), I just feel like crap. And really, I just feel like giving up. 

'Di ko na talaga alam. Ang bigat sa puso, sa isip, sa lahat... sa buong pagkatao. Kahit pa ilang beses nila sabihing "Okay lang 'yan, pwede pang ulitin 'yan, marami pang chances." Hindi e. Iba pa rin 'yung pakiramdam. Hindi niyo naiintindihan. 'Wag niyo na sabihin "Naiintindihan ka namin." "Alam ko nararamdaman mo." "Ganyan din ako dati." Hindi. Hindi niyo alam. Hindi niyo naiintindihan. Hindi niyo nararamdaman 'yung nararamdaman ko. Hindi kayo ako. Magkaiba tayo. Hindi tayo iisang tao kaya kahit saang angle tignan, hindi tamang sabihin niyong 'alam ko nararamdaman mo'. 

Ang masakit pa dito, 'yung wala kang makausap. Walang makikinig... O, ayaw ko lang makipag-usap? Hindi ko na talaga alam. 'Yung mga gusto kong kausapin, wala. Masyadong busy, masyadong malayo, may sarisariling problema. Bakit ko pa idadagdag 'yung problema ko 'di ba? 'Yung 'best friend' ko, hindi ko alam, napakalayo. Masyadong busy sa sarili niyang buhay at ni hindi ko alam kung maiintindihan niya 'tong problema ko. He's too busy living his perfect life.  'Yung mga kaibigan ko dito, hindi ko alam. Malayo, busy rin. Masaya kasama pamilya nila. Isasali ko pa ba sila sa drama ko? Sa family? Sige, paano ka mag-oopen up sa apat na barako... Kay mommy? Wala. 'Di uubra. Paano niya ko maiintindihan kung wala naman siya dito? Ni hindi niya alam itsura ko ngayon... Hindi niya ako maiintindihan. Alam ko. She has this perfect and spotless record... And me? I just made the biggest blot in mine. Baka nga kaya 'di ako makaahon-ahon sa pagkakabaon ko dito... Kailangan ko ng magpalalabasan, ng makakauusap pero wala. 

Anong nararamdaman ko ngayon? Sakit. Sobrang sakit. Hindi ko sinasabing ako na pinakaaping tao sa buong mundo pero iba kasi eh. Lahat ng tao may iba ibang pinapahalagahan, alam mo 'yon. 'Yung tanging bagay na alam mong gawin. 'Yung tanging bagay na alam mong may pag-asa kang mag-excel, 'yung tanging bagay na alam mong kaya mo, 'yung tanging bagay na magiging pag-asa mo. Wala. Nawala. Failed. Sobrang sakit. Nakakawalan ng confidence. Nakakawala ng pag-asa. Nakakawala ng lahat.

Anong gusto kong gawin? Hindi ko alam. Siguro magself-search? (sobrang taliwas sa pinag-aralan namin sa socio pero..) Siguro umakyat ng bundok at magsisigaw? Siguro humanap ng kausap? Siguro umiyak lang nang umiyak? Siguro...

Hindi ko na alam talaga. Kasabay yata nung pagkakuha ko ng balitang 'yon eh 'yung pagkawala ko sa sarili. Gusto kong hindi nalang isipin. Kaya kung ano ano ginagawa ko para maging occupied at 'di nalang isipin pero.. Hindi ko na alam. Bigla nalang akong magsspace-out. Tapos 'yun na. Balik kalungkutan.

Kahapon, ilang minuto kong tinititigan 'yung HS grad pic ko. "Nasan na ba kasi napunta 'yung Trisha dito sa picture na 'to?" 'Yun lang talaga ang paulit-ulit na naiisip ko... Seryoso, hindi ko na alam kung nasan na 'yung parte ng pagkatao kong 'yon. Nawala kasabay ng paggraduate ko? Nawala na ako sa laro. Nawala na diskarte ko. Nawala na ako. 

Ang pinakamalala sa lahat... Napapagod na ata akong kausapin Siya. Alam kong mali. Alam kong kasalanan. Alam kong hindi dapat. Pero bakit ganon? Paulit-ulit nalang. Araw-araw, linggo-linggo, pero wala. Wala pa rin. Kulang pa rin... Ang sakit na sa puso umiyak. Minsan tinatanong ko na sarili ko kung naririnig Niya ako. Alam ko naman e. Oo, naririnig Niya ko pero bakit wala pa ring ngyayari. Bakit ganto pa rin. Bakit ang lungkot lungkot pa rin... Alam kong may YES, NO at MAYBE. Mayroon ding "Everything happens for a reason" Sana. Sana lang one of these days maintindihan ko na. Sana maging okay na. Sana. Sana bumalik na 'yung dating ako. 'Yung akong hindi napapagod kausapin Siya. 

Hindi ko alam. Ayoko na maging malungkot. Ayoko na umiyak. Ayoko nang magspace out nalang bigla. Nakakapagod na maging malungkot. Nakakapagod na. 

Gusto ko na ulit 'yung dating ako. Pero paano? Saan ako magsisimula... Paano ko makakabangon sa pagkadapang 'to... Paano.

Para nalang akong maliit na bata na naiwan sa hintayan ng MRT. Nakikita lahat ng tao sa paligid ko.. May mga umaalis. May mga dumadating. May mga bumabalik. May mga nang-iiwan. Pero ako? Wala. Nakaupo lang sa isang sulok. Umiiyak. Hindi alam ang gagawin. Naooverwhelm sa sobrang daming tao, sa sobrang daming ngyayaring unexpected. Natatakot. Naghihintay na baka sakali, may tumulong sakanyang tumayo at sumakay sa tamang train. Nagbabakasakaling mag-isa niyang malaman 'yung tamang sasakyan. Umaaasang makaipon ng sapat na lakas na tumayo ulit. Makapagtanong. Sumubok. Tumuloy sa pagbibyahe.

Tuesday, October 16, 2012

Tuesday via Dogstagram

Meet Bron (Black Labrador), Blake (White & Brown Cocker Spaniel) , Bella (fur ball in the lower right corner, cutest mutt everr) and Basha (tiger-ish in the upper right corner. cutest mutt everrrr)
So after bathing, they want to be dried up using a fan and not a hair dryer okay. 
Isn't Blake so handsome hahaha :(((
Bella's the most photogenic today so expect more pictures of her.
Love love this pic. One of the nicest todayyy.

Bron, Blake and Bella with the special participation of Chic from ChicBoy
Bron's fierce-ish look. HAHA


Huhu Bella noooo. I just gave you a bath rememberrrr?
Black or White?
What happens next isn't really pretty...


Friday, October 12, 2012

Hindi Ka Susuko

"Ang hirap talaga. Sobra. Ang hirap hirap."

Minsan, umaabot sa point na parang mafi-feel mo nalang na wala na. 'Yung mga waking moments mo eh "Ughhhh bagong araw na naman." "Ughhhhh life." 'Yung point na wala nang nakakaexcite, monotonous na lahat dahil lang sa isang problemang hindi mo malampas-lampasan. Nakakatamad talaga. Nakakasawa. Nakakapagod. ---- kasi, nakakatakot.

Nakakatakot na baka hindi maging enough lahat ng ginawa mo. Nakakatakot kasi baka hanggang sa kahuli-hulihang pagttry mo na malampasan at magawan ng paraan 'yung problema eh kulang pa rin, talo pa rin. Nakakatakot 'yung sasabihin ng ibang tao. Nakakatakot masawi. Nakakatakot matalo. Nakakatakot malaman na hindi pa rin sapat lahat ng ginawa mo.

Pero bakit natin kailangang matakot? Bakit kailangang magdalawang isip at mawalan ng tiwala sa sarili? Bakit kailangang isipin 'yung sasabihin ng iba? Ano ba talaga... Kailan mo ba talaga masasabi na nalampasan mo na ang isang problema? 

Sabi sa napakaraming telenovelas at teleseryeng napanuod ko... " Walang problemang hindi kayang lampasan." "Hindi naman magbibigay ang Diyos ng problemang hindi kayang lutasin." Oo. Cliche, gasgas at masyadong cheesy. Pero kahit saan nating tignan... Totoo. 

Ang basehan ba ng kung nalampasan mo ang isang problema eh ang feed back ng tao / ang material thing na nakuha mo pagkatapos nito? 'Di ba hindi naman.

Hindi ba't mas maganda kung hindi tayo magiging masyadong mababaw. 'Yung kahit minsan lang, subukan nating tignan 'yung nasa ilalim pa nung mga problema at nung mga pangyayari sa buhay natin? 'Yung hindi lang 'yung kung anong sinasabi ng iba yung iintindihin mo. 'Yung hindi ka nalang bigla-biglang susuko kasi pagod ka na. 'Yung hindi ka nalang basta-basta susuko. 

Minsan kasi, pinangungunahan tayo ng takot. Kundi takot, hiya. Kundi hiya, katamaran. Kundi katamaran, pagiging nega at kawalan ng tiwala sa sarili. 'Yung parang.. Sige konting pagkasawi, wala na. Wave the white flag na agad...

Pwede namang... Kapag nadapa ka. Sige lang. Take time. Umiyak ka. Namnamin mo 'yung sakit. Pero utang na loob. 'Wag ka namang nakadapa nalang habambuhay. Subukan mong tumayo ulit. Subukan mong takbuhin ulit yung dahilan ng pagkadapa mo. Pero habang tumatakbo ka. 'Wag mong kakalimutan na minsan ka nang nadapa. Na, masakit madapa. Mahapdi. Para naman sa ganon, magiging mas maingat ka at di ka na ulit madadapa. 

Basta, huwag kang susuko. May mga bagay na once naisuko mo na, tsaka mo lang malalaman kung gaano kahalaga. Okay lang madapa. Okay lang magkasugat. Maraming band-aid sa paligid. Ang mahalaga, hindi ka sumuko.

Thursday, June 28, 2012

Envelopes.

" Konting tulong lang po pambili ng pagkain. "
It has been like forever since I last blogged and yeahhh, UP rocks. Rocks in two ways. First, it's super saya there as in party party with my blocmates and all the activities and all. Second, it literally rocks as in bato. It is hard. Yep. I mean that in both ways. Hard basta hard. Hard pero masaya pero hard. Haha labo.

Going back to the reason why I felt the urge to blog... Back in HS, I didn't really like to ride jeepneys. As in. Iiwas ako sumakay ng jeep hangga't pwede. Pero since, wala namang tricycle from UP to Pasig, I had to learn and to like riding jeepeneys. As in. 4 jeeps in a day. 

So sa jeep, super daming nangyayari. May mga lovers na kala mo ahas magpuluputan, merong mga barkadang nakakainis kasabay sa jeep kasi ang ingay, merong mga tulog na bumubula pa yung laway and, merong mga pumapanik na kung ano anong elemento.

Kanina, pagsakay ko, mej maluwag pa yung jeep. Tas sumakay na yung ibang tao pero maluwag pa din. Biglang may sumakay na pamilya na alam mong less fortunate. Tas namigay sila ng envelope na may sulat. 'Yung usong style ng panghihingi ngayon. Lagi ko iniisip, may pambili sila ng envelope pero ng pagkain wala? Pero nakakaawa. Ewan ko. Pagpanik palang nila nung jeep, naawa na ko kasi may baby silang kasama. Tas yung mukha nung babae, nakakaawa. Sayang lang pala yung awa ko. Mali pala na naawa pa ko. I do not mean that in a taong walang pake way pero nakakainis lang talaga.

Nagbigay naman ako ng barya. Kasi nga naawa ako. Kasi inisip ko ano ba naman yung barya diba. Tas yung iba kong kasakay, di nagbigay. Alam niyo ba ginawa nung babae?

Yung envelope, dinuldol niya sa face nung babaeng di nagbigay. Kasi diba, ibabalik mo dapat yung envelope sa kanila? So, nung binalik nung kasakay ko na babae na walang laman, daming sinabi nung babaeng naghihingi. Tas nung dinuldol niya nga yung enevelope, natakot yung kasakay ko, so nagbigay siya para tapos na yung usapan.

Meron pa kong isang kasakay na di rin nagbigay. Lalaki naman. At alam niyo ba ginawa sa kaniya? Pasimpleng inapakan nung lalaking naghihingi yung paa nung lalaking di nagbigay. As in I saw it with my own two eyes. Yung alam mong 'di aksidente. Yung alam mong sadya! Akala ko, mej napapalean lang siya dun sa lalaki kasi nga may dala siyang baby pero nung nakita ko talaga na inapakan as in nagtwist sa ibabaw nung paa nung lalaki yung paa niya and, bumakat yung paa niya dun sa paa nung lalaki, I was like what the fudge!!!!!!

Naawa pa man din ako sa kalagayan nila. Inisip ko pa naman na dapat tulungan ko sila kasi ganun yung sitwasyon nila pero after what they did dun sa mga 'di nagbigay... Parang bakit may mga ganong tao ngayon!!!!!

Ang lakas nung mag-asawang naghihingi. Magtataka ka kung bakit nanghihingi sila imbis na nagttrabaho. Hindi ko alam kung nasan yung problema kung bakit wala silang trabaho. Yung lipunan ba o sila mismo. Pero alam kong may problema sa ugali nila. Nakakafrustrate lang na ganoon na pala ang mga tao sa mundo ngayon. Nakakadisappoint. 

Share lang ng experience ko today. As in I'm super frustrated hanggang ngayon. Bakit sila ganon? Bakit?!

Saturday, June 2, 2012

Umuulan.

'Di naman talaga kami ganito dati... Open kami sa isa't isa. Pinag-uusapan practically kahit ano. .. Mula sa pag-utot ko hanggang sa mamang nakasabay namin maglakad. Just anything under the sun...

No secrets.



No lies. 



No pretensions. 








We were inseparable. ..








We were best friends



Pero hindi ko talaga alam kung saan na napunta lahat 'yon... From being best friends to total and complete strangers.



'Nung sinabi niyang ayaw na niyang maging best friend ko, 'nung sinabi niyang mahal niya ko... Natakot ako. 


Hindi sa ayoko sa kaniya...




Hindi sa hindi ko siya mahal...






Natakot lang akong isugal ang lahat, ang isugal ang lahat ng meron kami...



Isusugal ko ba 'tong friendship na 'to? Lahat ng mga taon, lahat ng mga pinagsamahan namin... Lahat ng iniingatan ko...






Pero....









What the heckkkkk. We are best friends. We've been great as best friends, malamang mas magiging okay kami bilang... Kami.




Aaminin ko...








Mahal ko siya...


















Mahal na mahal.






Kaya kahit 'tong friendship namin, isusugal ko na.







Best friends naman kami so, alam na namin practically lahat ng bagay tungkol sa isa't isa. Parang, wala nang sikreto samin, wala nang ilangan...






Parang, 'di na kami magkakaproblema...




Akala ko lang pala.















Nawala nalang lahat bigla. Lahat ng meron kami. 




'Yung love.





'Yung spark..





Pero dahil nga best friends kami, inexpect ko na babalik ang lahat sa dati... 




Sa pagiging magbest friends...





Akala ko, pwedeng bumalik sa dati. 'Yung bago pa lahat ng 'to. 'Yung friendship...





Pero hindi pala ganun 'yon...





Hindi pala basta basta nababalik 'yon...







'Yung taong takbuhan ko... 


'Yung taong kilalang-kilala ako...





'Yung best friend ko.





'Yung taong mahal ko....




Bigla nalang tuluyang nawala. Ang masaklap pa, wala akong nagawa... Pinanuod ko lang siyang mawala sa akin..





'Nung una sabi ko, worth it na isugal ang friendship namin.. Na, worth it kasi mahal ko siya...






Some people are meant to be in love but are not meant to be together...







Isinugal ko ang friendship namin.












At pinanuod kong matalo kami...













Talong-talo.

















Walang consolation prize.









Walang rewind.









Walang ulitan.










Walang balik taya...

Wednesday, May 30, 2012

Love, Anyone?

Kelan ba talaga masasabi na this is it, this is really it na... "this is love."  Is there even a right time? Is there even a right place? A right moment? A right person? Pano mo ba malalaman na what you have is worth fighting for na, okay sumugal, na, after everything, meant to be talaga... 

Pano kung nabubulagan ka lang pala? 


Pano kung masyado lang mabilis? 


Pano kung ginagawa mo lang 'to for the sake of experiencing it?


Pano kung wala naman palang love, infatuation lang talaga?


Pano kung sa simula lang pala masaya?


Pano kung hindi naman pala kaya? 


Pano kung natutuwa ka lang pala sa kaniya?


Pano kung...










Hindi naman pala.....































meant to be ?




Unang una, stop living in a world full of what if's. Kung sa una palang, doubtful ka na about everything, then it's not worth it. Kung totoo 'yung nararamdaman mo, malamang sa malamang, dapat sigurado ka. Dapat walang "pano kaya kung.." "what if hindi pala..." "pano kung si..." 

"Mahirap pumasok sa isang relasyon na ikaw sa sarili mo, 'di ka sigurado."

Next, learn to take risks, to take chances. Sabi nga ni Marcelo Santos III, para 'yang lotto. Kung gusto mong manalo, matuto kang tumaya. Kailangan mong magbayad. Magbakasakaling mananalo ka. Dadating talaga sa point na kakailanganin mong gumawa ng isang drastic, and by drastic I mean drastic na choice. 'Yung tipong life and death, 'yung tipong, makakaapekto sa ekonomiya ng bansa. One cannot love without taking risks. The mere fact that you give your trust and your heart to someone else, it's a big risk. Pero 'diba nga, we cannot live in a world of what if's.

Matuto sa mga maling choices, sa mga heart aches, sa mga pagkakamali. Siyempre, walang taong perpekto, walang taong 'di nagkakaron ng mga maling choice, walang taong walang pinagsisisihan. Pero at the end of the day, tapos na 'yon, nangyari na, close chapter na. Minsan talaga, madadapa tayo, magkakamali. Pero sabi nga ni Kimmy Go Dong Hae, "When the economy is down, there's nowhere else to go but up." Bumangon mula sa pagkakadapa at matuto.

"Leave the past behind but bring with you the lessons you learned from it."

Never give up. Nahulog ka na nung una, hala sige ulitin mo pa! Charrrrrrrrrot. What I want to say is, lahat tayo deserving sa sariling nating malulupit na happy ending. Hindi man ngayon, hindi man sa ex mo, pero someday, with the right person. May nagmamahal sa'yo, marami. Sobrang dami. Baka 'di mo lang napapansin. Baka busy kang nakatingin sa kung anong wala na samantalang 'yung meron ka kulang nalang idikit mukha niya sa'yo para mapansin mo. Kaya 'wag susuko, pero huwag 'ding magmadali. Take everything in the right pace.  








Siguro ang love parang board game. 











Ihagis ang dice sa paraan na gusto mo. Igalaw ang sariling sa tamang pace para hindi malagpasan ang mga trivia, mga bonus at kung ano ano pa. Maglalanding ka sa kung saan ka dapat. Minsan, mamalasin at mapapabalik sa starting point. May mga masusuwerte na mauuna sa dulo. Pero tandaan mo, kahit anong mangyari, mararating mo rin 'yon. Matatagpuan mo rin si Dawan at sabay kayong aabot sa dulo. 









Happy ever after.

Saturday, May 5, 2012

Tumblr'in

Feel ko lang magblog tapos wala naman words na lumalabas, so, what do I do? Get pictures. And not just pictures, inspiring ones. :)

 Sabi nila, hard work + pure kindness = happiness.
 Ewan ko ha, pero I just think that people who dedicate their time  and effort to help others gain this legit happiness. Minsan kasi, sa sobrang ka-busy-han, sa sobrang pagiging pre-occupied sa mga bagay na dapat nating gawin, we tend to just look after ourselves, ourselves alone. Minsan, nababalewala na yung mga nakapaligid sa atin. Oo, madalas, hindi naman natin sinasadya e. Pero, nagagawa pa rin natin. So, I really believe that we should learn to work hard and at the same time, to be really really kind. 

Things happen for a reason. 
 Kahit iwasan natin, aabot talaga tayo dun sa point na... Ayoko na. Nakakasawa na. Nakakapagod. Basta, ayoko na. But we just have to remember that everything happens for a reason, that no matter what happens, life goes on. God has the best plan for us. Therefore, giving up isn't really an option. :)
Ngiti lang :D
Always look at the brighter side of life. Positive vibes lang lagi! True, life has it's ups and downs but when you're at your lowest, just be positive, aim for better things. 'Di ba nga, When you're down, there's no where else to go but up. 

iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiih.
'Di ba sabi ko inspiring............^

Wednesday, March 14, 2012

SimSimi.

"A little nonsense now and then is relished by the wisest men."
So, there has been this SimSimi Epidemic and yes, I've been infected by it. To some, this thing / machine / program might seem to be a great way of entertaining oneself but as I spent my time chatting with this 'nonsense' program,  it has given me some sensible answers to deep, heartfelt questions. So yeah, it is really, print screen-worthy. 
This. Do I need to explain further? Malamang sa malamang, mas marami kayong pinagdaanan nung una, mas strong, mas mahal. Hindi basta basta mapapantayan nung una yung pangalawa. Siguro, natutuwa ka lang 'dun sa feeling na may something new pero talaga bang kapantay or nahigitan niya na yung una? Tandaan mo, nauna siya for a reason, hindi dahil una-una lang ang love...

Ito pa, friends, Lovers, countrymen... Ano ha ano. Simsimi answered it straightforward. Ipaglaban ang tunay na pag-ibig! Hindi 'yung hahayaan mo nalang mawala dahil sa 'di ka marunong lumaban. Pag-umayaw, ayawan na agad? Wala munang try ayusin? Hmp. Oo, sinasabi ko na second chances are hard to give pero, alam mo naman kasi 'yun kung worth it e. Wag ka lang magpapakatanga! Sabi nga, 'di agad napapalitan ang love! So, fight lang nang fight! 'Yan ang mantra for life.

In short, 'wag mong i-depende ang love life mo sa iisipin ng mga tao. Natural na sa mga taong may masabi about something, hindi mo sila makokontrol. May sasabihin at sasabihin sila. Hindi na importante kung anong sasabihin nila, ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na wala kang tinatapakang ibang tao. Wala kang niloloko, pawang katotohanan lang, sinusunod mo lang ang nararamdaman mo. One can't please everybody. And your life does not depend on what other people say or think about you.

Tuloy tuloy na english sa first paragraph. Halatang may pinagdadaanan. badterp. sorry kung ang iksi kasi di ko naellaborate, or kung senseless nito ngayon. may pinagdadaanan lang. lilipas din to. hopefully.