Sunday, July 3, 2011

Kelan Mo Masasabing Okay Ka Na?

'Yung feeling na akala mo super tagal bago ka maging okay. 'Yung feeling na 'di na ulit mangyayari sa'yon iyon kaya ang hirap. 'Yung feeling na... "Kelan ba ko magiging okay?!" 

Siguro, masasabi mong okay ka na kapag... Wala nang luhang tumutulo sa tuwing naiisip mo ang nagyari. (Eh malay mo naman natuyo lang tear glands mo.) 'Di mo na naiisip 'yon like nth times in a day. Kumbaga, wala na 'yon sa top list ng things to think about mo. 'Wa ka na care kung magkita man kayo. 'Wa ka na care about them.. Maybe. Just maybe, baka okay na ko.  

Hindi ko rin masasabi na totally or fully. Pero, alam mo 'yung feeling na.. Okay lang. Keber lang. Tapos na naman 'yon. Pero siyempre, 'di pa rin maalis yung feeling na ang awkward 'di ba. Alangan namang may I make bati to them like nothing happened. 'Di naman maiiwasan 'yon like yeahhh. 

Kelan ko nga ba masasabing okay na ko? Ayoko namang sabihin na okay na ko totally tapos may chorva pang mangyari. 'Yung feeling na. Ano yon, the repeat . Alam mo yung feeling na. Alam mo kung gano kahirap at ayaw mong may iba pang makafeel 'non. Ayoko lang maging unfair. 

Pero parang ngayon, iba na. Iba na 'yung feeling. 'Di ko lang ma-put into words pero I found happiness na 'di ko madescribe. 

Eh kasi nga, may nagbalik. But noooo. Ewan ko. Mahirap din. Mapupunta kami sa dulo't dulo ng mundo. Pero sabi niya, may FB naman.. Pero. 'Yun nga e. Ewan. Ansaveh ng muling ibalik 'di ba. Pero ewan ko. Hihi.

Grabe. Naman kasi. Kung makapagbelt. HAHAHAHA. 

I just don't want to rush things. Kung dadating, edi dadating. :) 
Sabi nga ni Fatty, I just have to enjoy life. :D

No comments:

Post a Comment