Tuesday, May 14, 2013

Slowing Down


 Have you ever wanted to tell life to pause or to straightforwardly tell it to shut up? That, stop-the-world-i-want-to-get-off feeling because of stress and all that crap. In this modern day and age, we try to fit more and more to something less and less. Each day becomes a race against the clock because time is scarce. We have been trained to believe that faster is always better and that busier is best. But we forgot that it is our right to slow down at those right moments. Now, you try to reflect. Are you living a good life or are you just experiencing a fast life?

I am a supporter of the Slow Movement. I was introduced with Slow Culture in my Social Artistry class. The social artistry of slow culture aims to change the mindset of the people and to let them not just to experience but to live life without rushing things. Basically, it is a movement that advocates a cultural shift towards slowing down life’s pace. It began in 1986 in Italy as a Slow Food Movement. Today the Slow Movement branches to several aspects of life. There is Slow Food, Slow Living, Slow Gardening, Slow Parenting, Slow Schools and a whole lot more.

Now you might think that what I'm saying is too superficial. Like, how is it possible to slow down with all these tests, deadlines, requirements and what not’s? But I tell you this is not that superficial. This is achievable. It just needs baby steps.

There are benefits if you try to slow down every once in a while. 

1. Slowing down makes you feel relaxed and reconnected. Why? Because if a person learns to slow down, he is also giving peace a chance. You experience peace within yourself. When was the last time you pampered yourself? When was the last time you gave yourself a chance to marvel at things? Try to reconnect with yourself and rethink about your priorities, your life as whole. Sometimes, things get too crowded and there's the feeling of losing yourself with all the chaos. When was the last time, you allowed peace to enter your whole life? You surely don’t want to look back and ask, “What happened to me during those days?” 

2. Slowing down allows you to become more engaged or present in the moment. You learn to appreciate the simple and little things in life. When was the last time you slowed down just to watch the sunset? Or have you ever marveled at the smile of the baby your sitting next to in the jeepney? With appreciation comes, gratefulness. If you slow down you would witness life's little miracles and be so thankful for it. Now, I ask you, today, what are you thankful for?

3. Change. Slowly you develop a better you. A you who is aware of others. A you who is connected with the people. A you who does not just go with the flow, but a you who directs the flow.

Slowing down could actually lead to a better living. It is not superficial. It is possible. If we could only give it a try, if we could only give peace a chance to enter our lives… We are young. We have a long way to go. Let us try to live a good life instead of just experiencing a fast life. Slow down every once in a while.

Here's the link to the TED talks video: In Praise of Slowness

Sunday, April 7, 2013

10 Months

Just because it's timely and I've wanted to blog about UP for quite a long time now... plus the fact that UP taught me things that are worth sharing.


Hindi talaga maalis 'yung sarap sa pakiramdam sa bawat moment na sasabihin mong taga-UP ka. 'Yung tipong may spark at may kilig every time tatanungin ka ng mga tao kung saan ka nag-aaral at buong pagpapakumababa mong sasabihing, "Sa UP po." Kunyari humble pero aminin na natin, masarap sa pakiramdam tuwing sasabihin mo ang mga salitang 'to. Para bang instant pogi at ganda points. Instant tatak ng star sa kamay, instant kasikatan, instant 'kataasan' over sa iba. Pero... hindi naman natatapos sa "Sa UP po" ang istorya nating mga Iskolar ng Bayan. Hindi nadadaan sa id lace at UP Maroons shirt ang lahat. Kailangan ng effort. At huwag ka, hindi basta bastang effort lang... Effort na tipong, ibigay mo na lahat ng pawis, dugo, luha, yaman at sanity mo para lang mapatunayan hindi lang sa kanila, kundi pati sa sarili mo na isa kang tunay at worthy kang tawaging  Iskolar ng Bayan.

Alam kong kulang pa ako sa 'years of stay' sa UP para sumulat ng ganito. Alam kong kaka-alis ko pa lang sa pagiging freshie (well actually, hindi pa since Freshman pa rin ang nakalagay sa crs ko..) pero feeling ko naman, may mga bagay na masasabi nating, at this early stage eh, natutunan na natin. So ito. Ilan sa mga bagay na never ever ever kong malilimutan. Mga bagay na tinuro ng UP sa akin (hindi sa lang sa classroom.. pati sa labas.. kahit sa cr.. basta)

1. Babagsak at babagsak ka.
-Yun na yon. Walang sugar coat sugar coat. Walang 'never give up or try and try or failure is the best motivation' keme. Simple, totoo at prangkang mga salita na ang ginamit ko para hindi ma-mislead ang mga tao. SW, HW, Exercise Set, Lab, Recitation, LE, Final Exam, Oral Exam, Practical Exam o yung course mismo, lahat lahat na. Either 'di ka nag-aral, na-mental block ka, mali ang na-kopya mo, kinain ng aso ang exercise set mo, or kung ano mang shit ang dahilan ng pagbagsak mo... Ngyari na. Bumagsak ka. Pero normal lang yon... (Ngayon, narealize ko na normal lang yon.) Hindi ka naman pala magiging less of a person kung babagsak ka. Eh sa minalas e. Eh sa mahirap talaga e. Eh sa, hindi talaga umubra e. Ganon talaga. May mga 'those days' (yes parang sanitary pad lang) na hindi talaga umaayon sa'yo lahat ng ngyayari. Imba kung di ka babagsak ni isang beses. Normal kung bumagsak ka. Ang hindi normal eh ang hindi mo pagbangon sa pagbagsak na yon. (Haha alam kong walang never give up ek ek pero totoo talaga to pramis) 
**Dati talaga akala ko ikamamatay ko ang pagbagsak. Eh kasi naman, nakakahurt talaga ng ego. Mej yung confidence na sabihin taga-UP ako eh mej nakakakaba na kasi baka biglang tanungin ako tungkol sa math or some shit. Pero seryoso. Nakakafrustrate. Ang sakit sa ego. Nakakabaliw ng slight. Natutunan ko na kailangan mo lang tanggapin. Kailangan mo lang labanan. Hindi ka naman nila isstone to death dahil lang bumagsak ka e. I-chi-cheer ka pa nila. Tutulungan ka pa nila. Sasabihin pa nilang.. "Okay lang 'yan ako nga tres lang diyan e." or "Hahahahaha ako din bagsak e. Sabay tayo magsummer!" At iyon ang mga tunay na iskolar ng bayan... cool dudes. Haha.

2. Hindi egotistic nerds ang mga tao sa UP ok...
-Well okay may ilan... HAHAHAHA. Pero seryoso siguro one out of 7 people lang yung mga egotistic nerds na masarap tusukin ng ballpen kapag sobrang yabang na pero all in all, sobrang cool ng mga taga-UP. (Lol not cool in a cool conyo or whatever way pero basta gets niyo na yon matatalino tayo 'di tayo slow.) Parang kung ano nga yung sinabi ko sa unang number... Hindi ka nila isstone to death kapag nalaman nilang bumagsak ka ok. Hindi ka rin nila ikukulong kung probee ka na. Oo mej sasambahin ka nung iba kapag nalaman nilang uno ka sa ganitong subject pero lahat naman ng tao ganoon 'di ba? Hehe. Ang gusto ko lang i-point out... DI KAMI NERDS OK. Hahahaha. Cool kids kaya kami.... =)))))) Basta. UP is not composed of egotistic nerds. 'Di kami puro aral at GWA lang. 'Di kami puro utak. We also have the heart. Duh.. It's honor and excellence remember?

3. Hindi porke't taga-UP eh aktibista na. 
-Sobrang negative streotyping ang pagsasabing 'magulo' 'puro aktibista' 'pamumundok' 'pagrarally' lang ang meron sa UP. Mej masarap kutusan yung mga taong ganoon mag-isip. Porke't we speak our minds eh aktibista na? Everything we fight for is worth it. Hindi kami nagpprotesta para lang sumikat or whatever. Hindi kami araw araw nagrarally. Kaya 'yung taong susunod na magsasabi sa'yong puro gulo lang ang meron sa UP, bugbugin mo. Joke!!! Peace men.

4. Kailangan sa buhay na marunong kang magtanong (+ a good sense of direction would help too...)
-Ok, ito na talaga. Sobrang umm mej nakakalito talaga mga ruta sa UP-D. Ikot, Toki, Katip, MRT, Pantranco at kung mga aneklat pang mga jeep. Kung hindi ka matandain at mej shungers ka sa pagdating sa mga directions (like me) it's either you get lost, you walk 2342342 miles or you cry in the corner kasi late ka na (eh T.Monsod pa naman next class mo...) kapag hindi mo naisipang magtanong-tanong at humingi ng tulong. Parang life lang. (huwaww) Kahit feeling natin alam na natin ginagawa natin, minsan, sumasablay pa rin. Pwede naman manigurado sa pagtatanong pero dahil tinatamad tayo.. We go on an adventure... na minsan, hindi maganda ang kinakalabasan. Sa UP ako natutong mag-tanong. Hindi na pwedeng maging Mr. and Ms. Know it all. Hindi na uso yun sa UP. Hindi uubra. Malelate ka lang. Masasaraduhan ka ng pinto ng GT-Toyota. Absent ka sa lecture ni Ma'am, bye bye .5 ka na. Ask for help! 'Di mo naman siguro ikamamatay kung hihingi ka ng tulong in times of distress diba? Hindi naman siguro nakakahiya? Mas mabuti nang sigurado kaysa late. Joke. Mas okay ang sigurado kaysa umiyak nalang sa kanto...

5. Hindi pwedeng go with the flow lang.
-Matatangay at matatangay ka. Worse comes to worst, malulunod ka pa. Malulunod ka pa sa sobrang daming bagay na pwede naman makasanayan nalang, pabayaan nalang. Pero since Iskolar ka na ng Bayan ngayon, hindi na pwede ang pwede na. At mas lalong hindi na pwede ang bahala na, go with the flow nalang. Kailangan mong labanan ang current. Sometimes, you even have to go against it and it's just normal. Life isn't about sailing with the rapids. It's about going through and sometimes, against it.

6. Matututo kang lumaban para sa iba.
-"Iskolar ng Bayan ngayon ay lumalaban" as time passes by, this line will become more than just a chant. Meron talagang satisfying and sweet feeling na nadudulot sa tuwing chinachant /  cheer to pero mas iba yung feeling once na maging higit pa sa chant to. Yung feeling na 'di ka na apathetic. Yung feeling na for once in your life, may ipinaglaban kang hindi lang para sa'yo. Yung for once in your life, nakita mo na may mali sa kung anong nakasanayan tapos nilabanan mo. Ayyy grabe fulfilling. Pero mas fulfilling kapag napanalunan mo yung ipinaglalaban mo. Sobrang feel good moment. (Pero inuulit ko di ako, aktibista okkkkkkkkkkkkk)

7."Kailan at paano ka lalabas?"
Ang pinakamatinding tanong na ikaw at ikaw lang mismo ang makakapagproduce ng sagot. Hindi natatapos ang kuwento sa pagpasa sa UPCAT at sa pagpasok sa UP. Simula palang 'yon kaya kung ako ikaw, magreready na ako ng dalawang timbang kape at ilang daang toneladang will power.



Ayan, ilang mga bagay na natutunan ko sa UP sa loob ng 10 months. Treasure every moment. 

Sunday, February 24, 2013

Ano bang Mali?!

Minsan ba napapaisip ka nalang kung bakit wala ka pa ring lurlur sa buhay? 'Yung mapapatanong ka nalang na BAKIT? Bakit sila meron, bakit sila ganito, bakit sila ganyan... At ang pinakamalupit na tanong... "Ano bang mali sakin?"

Hindi ka naman weirdo. Okay, lahat tayo weirdo in our own simple ways pero 'di ka naman weirdo enough para layuan ng mga tao. 'Di ka rin nerd para sabihin nilang wala kang oras para sa mga ganyan. Outgoing ka naman. 'Di ka rin naman ganun kapangit. Kahit na sabihin nating 'di supermodel level ang ganda mo, maayos ka pa rin naman tignan. Sakto lang kumbaga. Hindi hipon, hindi lollipop, hindi bulalo at hindi rin buko. Sakto lang basta.

Sa gantong day at age, parang sobrang dali na magtanong kung bakit wala pa ring dumarating. Kung bakit 'yung halos lahat ng tao sa paligid mo, (kahit yung sa tingin mong mas weirdo pa sa'yo) e meron, ikaw nalang ang wala. 'Yung gusto mo lang din makatanggap ng rose. 'Yung gusto mo lang din masurprise. 'Yung gusto mo lang din, kiligin. (Eh kung kilig lang pala ang hanap mo edi uminom ka ng sobrang daming tubig tas pag nagtext na sa'yo si mother nature.. 'yun instant kilig *if you know what I mean*)

Hindi naman OA ang standards mo.. (well, baka nga pero sino naman may gusto ng kanto boys diba..) Hindi ka rin naman manang... Hindi ka rin naman sobrang Lander Woman. Matino ka. Sakto. Pero walang lumalapit. Shy type na ba silang lahat ngayon? Ewan. Ano bang mali?!

Minsan ang gusto mo lang talaga, e 'yung simpleng assurance na matino ka pang tao at kahit papano, may nakakaappreciate pa ng existence mo bukod sa pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo. 

Mayroong mga nagsasabi na para lang daw yang fruits na yung mga magagandang klase e nasa taas, tapos pinaghihirapan at matagal talaga makuha... May ilan din naman na sinasabi na 'yang metaphor na yan e inimbento lang ng malulungkot na tao para masabing 'special' sila. 

At the end of the day... Kaniya-kaniyang trip lang 'yan. Kung ako ikaw, i-pupush ko kung sa tingin kong sasaya naman ako. 



PS. Pero kung may paper kang due this week, 'yun muna uunahin ko.

PPS. Kung recitation, quiz o exam naman, aral aral muna.

PPPS. Kung lahat 'yan mayroon ka next week, isa lang ang pwede mong gawin. Umiyak. ;)

Friday, February 8, 2013

I Said YES


Bumalik ka. Pinilit ko na iniwasan ka. Lahat ng paraan na pwedeng gawin, ginawa ko. Hanggang sa isang araw, sa school, magtatapon dawpat ako ng basura. Bigla kitang nakita. Akala ko hindi mo ko napansin kaya tumalikod nalang ako na parang wala lang. Naalala ko yung basura. Itatapon ko pa nga pala. Nakita mo ako. Sinubukan kong umiwas pero wala, iisa lang pala pupuntahan natin. "Hindi ko nalang siya papansinin. Kunyari wala lang." Kinundisyon ko na 'yung sarili ko. Okay na sana e. Kaso biglang, hinablot mo 'yung braso ko. "Bakit mo ba ko iniiwasan?!" "Hindi ka sasagot. Hindi ka sasagot." Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko.

Biglang tayong dalawa nalang 'yung magkasama. Nag-uusap yata tayo. Ano namang pinag-uusapan natin? Teka, cellphone ko 'yan ah. Bakit na sa'yo? Binabasa mo pa lahat ng mga messages. Binubura mo lahat na galing sa ibang lalaki. Bakit? Sabi mo, "Oh ito pa. Ano na naman 'to?" Patungkol dun sa isang text ng isang dating kaibigan. Natapos ka nang magbura. Bigla ko nalang narinig 'yung sarili ko na nag-aapologize para sa mga text na nabasa mo. "Sorry na kasi, wala 'yung mga 'yon.." Teka lang. Bakit ako nagsosorry? Bakit ganito ngyayari?! Hindi ko na maintindihan Mas nagulantang ako sa susunod na ngyari... Tinanong mo ko. "Tayo na ba... tayo na ba ulit? Okay na ba tayo?" Isang malaking wadapak talaga 'tong ngyayari. 

"Oo." Huwaaaaaaat? Seeeeeelf? Huwat in da world?? Ano ba self bakit ka umoo? Wala man lang pagpapakipot na naganap? Hindi ko na talaga alam 'yung ngyayari. Bahala na nga. Nakarating ako kung saan at nakita ko mga kaibigan ko. Kilig na kilig pa sila nung malaman nila na umoo ako sa tanong mo. As in, sobrang saya nila at tanong nang tanong. "Bakit ka umoo?" "Masaya ka ba?" Malamang ineexpect nila eh mga positive na sagot. Well, hindi ganon 'yung sinagot ni self. "Hindi eh. Umoo lang ako para tapos na. Ewan ko, hindi ako masaya." To think ikaw si The One That Got Away? Ang labo.

Ako nalang mag-isa. Madilim. Tahimik. Hinanap ko 'yung cellphone ko. Ayun, nandito pa. Binuksan ko, 12:43 am. Panaginip lang pala. 

Sunday, January 27, 2013

Ikaw Mismo.

Sa isang bagay ka na nga lang magaling, sumablay pa.

Pano nga kung sa tanging bagay na alam mong gawin eh sumablay ka pa? Masasabi mo bang tsamba lang? Masasabi mo bang hindi mo lang talaga panahon? Na, minalas lang talaga? 


'When you're down, there's nowhere to go but up.' "Try and try until you succeed." 'May bukas pa. ' "Huwag kang susuko." 'Kaya mo yan!' Ilan lang yan sa mga sobrang daming word of encouragement na pwedeng ibigay ng ibang tao sa oras na sumablay ka sa isang bagay. Ilan lang yan sa mga salitang pwede nating gamitin para magsimula ulit o pwede rin naman nating isantabi nalang kasi 'di natin kailangan. Either way, mga salita yan na galing sa iba. Sa iba na hindi naman alam 'yung pinagdadaanan mo. Sa iba na 'di ka naman talaga sigurado kung sincere o nakikisawsaw lang. Sa iba na hindi na-experience first hand kung anong pinagdadaanan mo. Sa ibang tao.



Hindi ba't nakakapagtaka kung bakit may ilan na sa ibang tao inaasa 'yung pagbangon mula pagkakadapa? Hindi ba parang mali naman yata? Unang una, wala naman silang kinalaman sa pagkadapa o pagkahulog mo, bakit sa kanila mo inaasa ang pagtayo mo ulit? Baliw lang.



Bakit mo iaasa sa ibang tao na tulungan kang umalis sa kumunoy na kinahulugan mo kung sa una pa lang naman e sinabihan ka na nila na dalikado lumapit doon? Mag-isa ka nung naisipan mong lumapit sa kumunoy na 'yon. Mag-isa kang gumawa ng desisyon. Mag-isa kang gumawa ng katangahan. Bakit ngayon e aasa ka sa iba na tulungan ka?



Baka hindi mo naiisip na hindi naman nila alam kung anong pinagdadaanan mo? Naisip mo na ba kahit minsan kung nararamdaman din nila ang nararamdaman mo para umasa ka sa mga payo nila? Na-experience ba nila first hand kung anong naeexperience mo? Nakalubog din ba sila sa parehong kumunoy na kinalulubugan mo ngayon? Malamang hindi. So paano mo masasabi na tama yung tinutulong nila sa'yo? Paano mo masasabi na hinihila ka nga nila pataas at hindi dinudukdok pa pababa? Magkaiba ang punto de vistang ginagamit niyo. Magkaibang tingin, magkaibang reaksyon.



So bakit ka aasa sa iba kung kaya mo naman sa sarili mo? Bakit ka pa maghihintay ng rerescue sa'yo kung kaya mo naman iligtas ang sarili mo? Bakit ka aasa sa iba na hindi naman alam kung anong pinagdadaanan mo?


Dadating yung araw na mapapagod silang tulungan ka. Or, dadating yung panahon na mapapagod kang humingi ng tulong sa kanila. Either way, mawawalan ka dahil sa sobrang kakaasa. 


Ang kailangan mo, pag-asa sa sarili. Ang kailangan mo, tiwala sa sarili. Ang kailangan mo, gisingin yan sarili mo at sabihing, "Kaya ko 'to!" Dahil sa oras na iwan ka na nila, at least, masasabi mong kaya mo pa rin. Masasabi mong "Salamat sa pagiging parte ng istorya ko. Good luck sa sariling istorya mo." At hindi yung magmamakaawa ka na huwag ka nilang iwan, na hindi mo kaya mag-isa.



Ang problema parang pagkahulog sa kumunoy... Madalas, maraming tao sa paligid pero kahit anong sigaw mo, wala nakakarinig. Maraming nakapaligid sa'yo pero kaunti lang ang handang mag-abalang tumulong. 'Yung iba pa don, hindi naman talaga makakatulong. 'Yung iba, usisa lang. 'Yung iba, labag sa loob ang pagtulong. 'Yung sobrang kakaunti, mag-aabot ng sanga para makaalis ka. Piliin nang mabuti. Madalas maraming pwedeng kapitan, mahirap nga lang hanapin yung pinakamatibay na pwedeng gamitin. Unang una, kailangan kumalma, huwag masyadong maggagagalaw, kundi, lulubog ka lalo. Hanapin ang pinakamatibay na kapitan. Gamitin ang buong lakas para iangat at iligtas ang sarili.



Hindi mo kailangang magmadali para makabangon mula sa pagkakalubog. Minsan, pag nagmadali ka, lalo ka pang lulubog. Mag-isip muna. Kumbinsihin ang sarili na kumalma, na kaya mo yan, na eventually, magiging okay ang lahat. Kaya mong iangat ang sarili mo. Kayang kaya mo. Kung ang iba nga kaya mong tulungan, sarili mo pa kaya? Minsan talaga kulang lang sa tiwala. Sumuko na silang lahat sa'yo, huwag lang ikaw mismo sa sarili mo.

Saturday, December 8, 2012

Can this be Lurlur?

Actually, dapat isusulat ko lang to sa journal ko pero sige. Feel ko naman na oras na para magblog ulit ako after 3253453 years so game. Oras na para magreflect at kausapin ang ating mga inner 'lurlurs'.

lurlur (n. / adj. / v. ) 
ang paglalandi, pag-aaura, pagdadamoves ng isang tao sa kapwa tao niya                                             

Use it in a sentence:
 (1.) Lulurlur ka? (Lalandi ka? Gagala ka? Aaura ka?)                                             
 (2.) So ano nilulurlur ka niya? (So ano, dinadamoves-an ka niya?)
 (3.) Lurlur ka!!! (Malandi ka!!!)
*atbp. minsan, context clues lang ang kailangan haha.

Pano nga ba masasabi na nilulurlur ka ng isang tao? or kung posibleng magblossom into some meaningful lurlur ang kung ano mang mayroon kayo ngayon? Minsan, maganda ding tanungin kung paano ba maiiwasan ang lumurlur? Paano ba malalaman kung sumosobra ka na sa panglulurlur? Ugh. Ang dami diba. Ano 'wag nalang? 'Wag nalang tayo lumurlur lahat para tahimik ang buhay at ikain nalang natin 'to. Chozz.

Game. 
Lurlur #1. Kelan mo masasabing nilulurlur ka ng isang tao?
Siyempre, ayaw naman natin masabihan tayo or mabasagan tayo ng A word. A word meaning, isang malaking Assumera. Isang malaking Asa. Isang malaking Awawa Aman. Haha. Pero badtrip naman kasi talaga minsan e. 'Yung mga tipong sobrang concerned, OA magpakita ng kabutihan, lagpas sa normal na ginagawa ng normal na kaibigan mga effort na pinapakita tapos... Tapos... Tapos... Wala lang pala. Sobrang friendly lang pala. Badtrip diba. Ikaw na nga yung natanga, ikaw pa naging assumera. HAHAHA. Kalma lang kasi muna, double check kung lurlur na ba talaga yung nagaganap o sadyang friendly lang siya para maiwasan yung A moments. Badtrip. haha.

Lurlur #2. Kelan mo masasabing magbblossom ang lurluran na mayroon kayo?
Luuhh, 'di ko din alam. Pero you'll feel it naman diba pero minsan talaga deceiving eh kaya dapat magdouble check. Ask the opinion of others. Consult your doctors. Chozz. Pero 'di nga, pano mo nga malalaman kung 'di mo tatanungin? Pero pano kapag tinanong mo, mapahiya ka naman... Pero pano kapag pareho lang pala kayong pa-tame ang peg.. Pano kung dahil sa hindi mo pagtatanong e hindi na tuluyang magblossom? Aww. Siguro minsan kailangan lang talaga ng courage. Courage para magtanong at kung sakali, masaktan, masawi, malaslas puso. Make sure lang siguro na worth it yang kung ano mang mayroon kayo para paggamitan mo ng sobrang daming ipon mong courage. Kumbaga, kung worth it ba 'yan pag-invest-an ng lahat ng ari-arian (nuxx econ skillz chozz) Kasi kung 'di ka pa sigurado, baka mamaya 'di ka lang malugi, masimot pa lahat ng mayroon ka. At sa sitwasyon ng ekonomiya ngayon, one can't afford too much heartaches. 

Lurlur #3. Pano ba malalaman kung sumusobra ka na sa paglulurlur?
Minsan OA na 'yung dating ng panglulurlur mo. Minsan, di na lurlur, creepers na. (lalo na kung di naman pogi/maganda creepers agad yun di yun magiging lurlur chozz haha) So 'yun nga. Minsan, 'di naman masamang magmaganda kahit papano. Magpakipot, mag-ala Maria Clara kung minsan. 'Yung kung bet mo, sige lurlur, play the game pero 'yung sakto lang. 'Yung 'di naman oa. Sample, kung sa text oa ka mag-abang na tipong shet ba't 5 minutes na di pa siya nagrereply. O kaya yung dinaig mo pa yung prepaid balance check ng Globe sa sobrang express ng reply mo. Minsan try mo maghintay ng mga 5 minutes bago magreply para 'di obvious na kilig up to the pancreas ka tuwing may exchange of messages kayo. Saktong paglulurlur lang mga kapatid. Hindi yung mega lurlur hindi rin naman yung pa-tame pa ang peg 'di naman tame...

Ayan, ilan lang 'yang mga lurlur na 'yan sa sobrang daming nakakalito at nakakabadtrip na lurlur na nagcocoexist dito sa mundo. Siguro, it's a matter of sorting and handling your lurlurs well. Pero, tandaan, 'wag magmamadali sa paglulurlur at baka sa maling lurlur bumagsak. Take your time. Kumalma. Dadating at dadating din 'yan. Sa takdang lurlur season.

Happy Lurlur-ing!

Thursday, November 1, 2012

I Hope You Don't Mind

"...Being genuinely confused with life and unsure what step to take next. (This is not the same as knowing what’s right but not wanting to do it. This is being legitimately lost.)"

 So I'm this overly optimistic blogger who's experiencing the greatest irony of life right now. I think I have lost all the hope I have... I just don't know what I'm doing with my life. After practically failing at the only thing I'm good at (or at least I think I'm good at), I just feel like crap. And really, I just feel like giving up. 

'Di ko na talaga alam. Ang bigat sa puso, sa isip, sa lahat... sa buong pagkatao. Kahit pa ilang beses nila sabihing "Okay lang 'yan, pwede pang ulitin 'yan, marami pang chances." Hindi e. Iba pa rin 'yung pakiramdam. Hindi niyo naiintindihan. 'Wag niyo na sabihin "Naiintindihan ka namin." "Alam ko nararamdaman mo." "Ganyan din ako dati." Hindi. Hindi niyo alam. Hindi niyo naiintindihan. Hindi niyo nararamdaman 'yung nararamdaman ko. Hindi kayo ako. Magkaiba tayo. Hindi tayo iisang tao kaya kahit saang angle tignan, hindi tamang sabihin niyong 'alam ko nararamdaman mo'. 

Ang masakit pa dito, 'yung wala kang makausap. Walang makikinig... O, ayaw ko lang makipag-usap? Hindi ko na talaga alam. 'Yung mga gusto kong kausapin, wala. Masyadong busy, masyadong malayo, may sarisariling problema. Bakit ko pa idadagdag 'yung problema ko 'di ba? 'Yung 'best friend' ko, hindi ko alam, napakalayo. Masyadong busy sa sarili niyang buhay at ni hindi ko alam kung maiintindihan niya 'tong problema ko. He's too busy living his perfect life.  'Yung mga kaibigan ko dito, hindi ko alam. Malayo, busy rin. Masaya kasama pamilya nila. Isasali ko pa ba sila sa drama ko? Sa family? Sige, paano ka mag-oopen up sa apat na barako... Kay mommy? Wala. 'Di uubra. Paano niya ko maiintindihan kung wala naman siya dito? Ni hindi niya alam itsura ko ngayon... Hindi niya ako maiintindihan. Alam ko. She has this perfect and spotless record... And me? I just made the biggest blot in mine. Baka nga kaya 'di ako makaahon-ahon sa pagkakabaon ko dito... Kailangan ko ng magpalalabasan, ng makakauusap pero wala. 

Anong nararamdaman ko ngayon? Sakit. Sobrang sakit. Hindi ko sinasabing ako na pinakaaping tao sa buong mundo pero iba kasi eh. Lahat ng tao may iba ibang pinapahalagahan, alam mo 'yon. 'Yung tanging bagay na alam mong gawin. 'Yung tanging bagay na alam mong may pag-asa kang mag-excel, 'yung tanging bagay na alam mong kaya mo, 'yung tanging bagay na magiging pag-asa mo. Wala. Nawala. Failed. Sobrang sakit. Nakakawalan ng confidence. Nakakawala ng pag-asa. Nakakawala ng lahat.

Anong gusto kong gawin? Hindi ko alam. Siguro magself-search? (sobrang taliwas sa pinag-aralan namin sa socio pero..) Siguro umakyat ng bundok at magsisigaw? Siguro humanap ng kausap? Siguro umiyak lang nang umiyak? Siguro...

Hindi ko na alam talaga. Kasabay yata nung pagkakuha ko ng balitang 'yon eh 'yung pagkawala ko sa sarili. Gusto kong hindi nalang isipin. Kaya kung ano ano ginagawa ko para maging occupied at 'di nalang isipin pero.. Hindi ko na alam. Bigla nalang akong magsspace-out. Tapos 'yun na. Balik kalungkutan.

Kahapon, ilang minuto kong tinititigan 'yung HS grad pic ko. "Nasan na ba kasi napunta 'yung Trisha dito sa picture na 'to?" 'Yun lang talaga ang paulit-ulit na naiisip ko... Seryoso, hindi ko na alam kung nasan na 'yung parte ng pagkatao kong 'yon. Nawala kasabay ng paggraduate ko? Nawala na ako sa laro. Nawala na diskarte ko. Nawala na ako. 

Ang pinakamalala sa lahat... Napapagod na ata akong kausapin Siya. Alam kong mali. Alam kong kasalanan. Alam kong hindi dapat. Pero bakit ganon? Paulit-ulit nalang. Araw-araw, linggo-linggo, pero wala. Wala pa rin. Kulang pa rin... Ang sakit na sa puso umiyak. Minsan tinatanong ko na sarili ko kung naririnig Niya ako. Alam ko naman e. Oo, naririnig Niya ko pero bakit wala pa ring ngyayari. Bakit ganto pa rin. Bakit ang lungkot lungkot pa rin... Alam kong may YES, NO at MAYBE. Mayroon ding "Everything happens for a reason" Sana. Sana lang one of these days maintindihan ko na. Sana maging okay na. Sana. Sana bumalik na 'yung dating ako. 'Yung akong hindi napapagod kausapin Siya. 

Hindi ko alam. Ayoko na maging malungkot. Ayoko na umiyak. Ayoko nang magspace out nalang bigla. Nakakapagod na maging malungkot. Nakakapagod na. 

Gusto ko na ulit 'yung dating ako. Pero paano? Saan ako magsisimula... Paano ko makakabangon sa pagkadapang 'to... Paano.

Para nalang akong maliit na bata na naiwan sa hintayan ng MRT. Nakikita lahat ng tao sa paligid ko.. May mga umaalis. May mga dumadating. May mga bumabalik. May mga nang-iiwan. Pero ako? Wala. Nakaupo lang sa isang sulok. Umiiyak. Hindi alam ang gagawin. Naooverwhelm sa sobrang daming tao, sa sobrang daming ngyayaring unexpected. Natatakot. Naghihintay na baka sakali, may tumulong sakanyang tumayo at sumakay sa tamang train. Nagbabakasakaling mag-isa niyang malaman 'yung tamang sasakyan. Umaaasang makaipon ng sapat na lakas na tumayo ulit. Makapagtanong. Sumubok. Tumuloy sa pagbibyahe.