Sunday, February 24, 2013

Ano bang Mali?!

Minsan ba napapaisip ka nalang kung bakit wala ka pa ring lurlur sa buhay? 'Yung mapapatanong ka nalang na BAKIT? Bakit sila meron, bakit sila ganito, bakit sila ganyan... At ang pinakamalupit na tanong... "Ano bang mali sakin?"

Hindi ka naman weirdo. Okay, lahat tayo weirdo in our own simple ways pero 'di ka naman weirdo enough para layuan ng mga tao. 'Di ka rin nerd para sabihin nilang wala kang oras para sa mga ganyan. Outgoing ka naman. 'Di ka rin naman ganun kapangit. Kahit na sabihin nating 'di supermodel level ang ganda mo, maayos ka pa rin naman tignan. Sakto lang kumbaga. Hindi hipon, hindi lollipop, hindi bulalo at hindi rin buko. Sakto lang basta.

Sa gantong day at age, parang sobrang dali na magtanong kung bakit wala pa ring dumarating. Kung bakit 'yung halos lahat ng tao sa paligid mo, (kahit yung sa tingin mong mas weirdo pa sa'yo) e meron, ikaw nalang ang wala. 'Yung gusto mo lang din makatanggap ng rose. 'Yung gusto mo lang din masurprise. 'Yung gusto mo lang din, kiligin. (Eh kung kilig lang pala ang hanap mo edi uminom ka ng sobrang daming tubig tas pag nagtext na sa'yo si mother nature.. 'yun instant kilig *if you know what I mean*)

Hindi naman OA ang standards mo.. (well, baka nga pero sino naman may gusto ng kanto boys diba..) Hindi ka rin naman manang... Hindi ka rin naman sobrang Lander Woman. Matino ka. Sakto. Pero walang lumalapit. Shy type na ba silang lahat ngayon? Ewan. Ano bang mali?!

Minsan ang gusto mo lang talaga, e 'yung simpleng assurance na matino ka pang tao at kahit papano, may nakakaappreciate pa ng existence mo bukod sa pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan mo. 

Mayroong mga nagsasabi na para lang daw yang fruits na yung mga magagandang klase e nasa taas, tapos pinaghihirapan at matagal talaga makuha... May ilan din naman na sinasabi na 'yang metaphor na yan e inimbento lang ng malulungkot na tao para masabing 'special' sila. 

At the end of the day... Kaniya-kaniyang trip lang 'yan. Kung ako ikaw, i-pupush ko kung sa tingin kong sasaya naman ako. 



PS. Pero kung may paper kang due this week, 'yun muna uunahin ko.

PPS. Kung recitation, quiz o exam naman, aral aral muna.

PPPS. Kung lahat 'yan mayroon ka next week, isa lang ang pwede mong gawin. Umiyak. ;)

Friday, February 8, 2013

I Said YES


Bumalik ka. Pinilit ko na iniwasan ka. Lahat ng paraan na pwedeng gawin, ginawa ko. Hanggang sa isang araw, sa school, magtatapon dawpat ako ng basura. Bigla kitang nakita. Akala ko hindi mo ko napansin kaya tumalikod nalang ako na parang wala lang. Naalala ko yung basura. Itatapon ko pa nga pala. Nakita mo ako. Sinubukan kong umiwas pero wala, iisa lang pala pupuntahan natin. "Hindi ko nalang siya papansinin. Kunyari wala lang." Kinundisyon ko na 'yung sarili ko. Okay na sana e. Kaso biglang, hinablot mo 'yung braso ko. "Bakit mo ba ko iniiwasan?!" "Hindi ka sasagot. Hindi ka sasagot." Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko.

Biglang tayong dalawa nalang 'yung magkasama. Nag-uusap yata tayo. Ano namang pinag-uusapan natin? Teka, cellphone ko 'yan ah. Bakit na sa'yo? Binabasa mo pa lahat ng mga messages. Binubura mo lahat na galing sa ibang lalaki. Bakit? Sabi mo, "Oh ito pa. Ano na naman 'to?" Patungkol dun sa isang text ng isang dating kaibigan. Natapos ka nang magbura. Bigla ko nalang narinig 'yung sarili ko na nag-aapologize para sa mga text na nabasa mo. "Sorry na kasi, wala 'yung mga 'yon.." Teka lang. Bakit ako nagsosorry? Bakit ganito ngyayari?! Hindi ko na maintindihan Mas nagulantang ako sa susunod na ngyari... Tinanong mo ko. "Tayo na ba... tayo na ba ulit? Okay na ba tayo?" Isang malaking wadapak talaga 'tong ngyayari. 

"Oo." Huwaaaaaaat? Seeeeeelf? Huwat in da world?? Ano ba self bakit ka umoo? Wala man lang pagpapakipot na naganap? Hindi ko na talaga alam 'yung ngyayari. Bahala na nga. Nakarating ako kung saan at nakita ko mga kaibigan ko. Kilig na kilig pa sila nung malaman nila na umoo ako sa tanong mo. As in, sobrang saya nila at tanong nang tanong. "Bakit ka umoo?" "Masaya ka ba?" Malamang ineexpect nila eh mga positive na sagot. Well, hindi ganon 'yung sinagot ni self. "Hindi eh. Umoo lang ako para tapos na. Ewan ko, hindi ako masaya." To think ikaw si The One That Got Away? Ang labo.

Ako nalang mag-isa. Madilim. Tahimik. Hinanap ko 'yung cellphone ko. Ayun, nandito pa. Binuksan ko, 12:43 am. Panaginip lang pala.