Thursday, November 1, 2012

I Hope You Don't Mind

"...Being genuinely confused with life and unsure what step to take next. (This is not the same as knowing what’s right but not wanting to do it. This is being legitimately lost.)"

 So I'm this overly optimistic blogger who's experiencing the greatest irony of life right now. I think I have lost all the hope I have... I just don't know what I'm doing with my life. After practically failing at the only thing I'm good at (or at least I think I'm good at), I just feel like crap. And really, I just feel like giving up. 

'Di ko na talaga alam. Ang bigat sa puso, sa isip, sa lahat... sa buong pagkatao. Kahit pa ilang beses nila sabihing "Okay lang 'yan, pwede pang ulitin 'yan, marami pang chances." Hindi e. Iba pa rin 'yung pakiramdam. Hindi niyo naiintindihan. 'Wag niyo na sabihin "Naiintindihan ka namin." "Alam ko nararamdaman mo." "Ganyan din ako dati." Hindi. Hindi niyo alam. Hindi niyo naiintindihan. Hindi niyo nararamdaman 'yung nararamdaman ko. Hindi kayo ako. Magkaiba tayo. Hindi tayo iisang tao kaya kahit saang angle tignan, hindi tamang sabihin niyong 'alam ko nararamdaman mo'. 

Ang masakit pa dito, 'yung wala kang makausap. Walang makikinig... O, ayaw ko lang makipag-usap? Hindi ko na talaga alam. 'Yung mga gusto kong kausapin, wala. Masyadong busy, masyadong malayo, may sarisariling problema. Bakit ko pa idadagdag 'yung problema ko 'di ba? 'Yung 'best friend' ko, hindi ko alam, napakalayo. Masyadong busy sa sarili niyang buhay at ni hindi ko alam kung maiintindihan niya 'tong problema ko. He's too busy living his perfect life.  'Yung mga kaibigan ko dito, hindi ko alam. Malayo, busy rin. Masaya kasama pamilya nila. Isasali ko pa ba sila sa drama ko? Sa family? Sige, paano ka mag-oopen up sa apat na barako... Kay mommy? Wala. 'Di uubra. Paano niya ko maiintindihan kung wala naman siya dito? Ni hindi niya alam itsura ko ngayon... Hindi niya ako maiintindihan. Alam ko. She has this perfect and spotless record... And me? I just made the biggest blot in mine. Baka nga kaya 'di ako makaahon-ahon sa pagkakabaon ko dito... Kailangan ko ng magpalalabasan, ng makakauusap pero wala. 

Anong nararamdaman ko ngayon? Sakit. Sobrang sakit. Hindi ko sinasabing ako na pinakaaping tao sa buong mundo pero iba kasi eh. Lahat ng tao may iba ibang pinapahalagahan, alam mo 'yon. 'Yung tanging bagay na alam mong gawin. 'Yung tanging bagay na alam mong may pag-asa kang mag-excel, 'yung tanging bagay na alam mong kaya mo, 'yung tanging bagay na magiging pag-asa mo. Wala. Nawala. Failed. Sobrang sakit. Nakakawalan ng confidence. Nakakawala ng pag-asa. Nakakawala ng lahat.

Anong gusto kong gawin? Hindi ko alam. Siguro magself-search? (sobrang taliwas sa pinag-aralan namin sa socio pero..) Siguro umakyat ng bundok at magsisigaw? Siguro humanap ng kausap? Siguro umiyak lang nang umiyak? Siguro...

Hindi ko na alam talaga. Kasabay yata nung pagkakuha ko ng balitang 'yon eh 'yung pagkawala ko sa sarili. Gusto kong hindi nalang isipin. Kaya kung ano ano ginagawa ko para maging occupied at 'di nalang isipin pero.. Hindi ko na alam. Bigla nalang akong magsspace-out. Tapos 'yun na. Balik kalungkutan.

Kahapon, ilang minuto kong tinititigan 'yung HS grad pic ko. "Nasan na ba kasi napunta 'yung Trisha dito sa picture na 'to?" 'Yun lang talaga ang paulit-ulit na naiisip ko... Seryoso, hindi ko na alam kung nasan na 'yung parte ng pagkatao kong 'yon. Nawala kasabay ng paggraduate ko? Nawala na ako sa laro. Nawala na diskarte ko. Nawala na ako. 

Ang pinakamalala sa lahat... Napapagod na ata akong kausapin Siya. Alam kong mali. Alam kong kasalanan. Alam kong hindi dapat. Pero bakit ganon? Paulit-ulit nalang. Araw-araw, linggo-linggo, pero wala. Wala pa rin. Kulang pa rin... Ang sakit na sa puso umiyak. Minsan tinatanong ko na sarili ko kung naririnig Niya ako. Alam ko naman e. Oo, naririnig Niya ko pero bakit wala pa ring ngyayari. Bakit ganto pa rin. Bakit ang lungkot lungkot pa rin... Alam kong may YES, NO at MAYBE. Mayroon ding "Everything happens for a reason" Sana. Sana lang one of these days maintindihan ko na. Sana maging okay na. Sana. Sana bumalik na 'yung dating ako. 'Yung akong hindi napapagod kausapin Siya. 

Hindi ko alam. Ayoko na maging malungkot. Ayoko na umiyak. Ayoko nang magspace out nalang bigla. Nakakapagod na maging malungkot. Nakakapagod na. 

Gusto ko na ulit 'yung dating ako. Pero paano? Saan ako magsisimula... Paano ko makakabangon sa pagkadapang 'to... Paano.

Para nalang akong maliit na bata na naiwan sa hintayan ng MRT. Nakikita lahat ng tao sa paligid ko.. May mga umaalis. May mga dumadating. May mga bumabalik. May mga nang-iiwan. Pero ako? Wala. Nakaupo lang sa isang sulok. Umiiyak. Hindi alam ang gagawin. Naooverwhelm sa sobrang daming tao, sa sobrang daming ngyayaring unexpected. Natatakot. Naghihintay na baka sakali, may tumulong sakanyang tumayo at sumakay sa tamang train. Nagbabakasakaling mag-isa niyang malaman 'yung tamang sasakyan. Umaaasang makaipon ng sapat na lakas na tumayo ulit. Makapagtanong. Sumubok. Tumuloy sa pagbibyahe.