Kelan ba talaga masasabi na this is it, this is really it na... "this is love." Is there even a right time? Is there even a right place? A right moment? A right person? Pano mo ba malalaman na what you have is worth fighting for na, okay sumugal, na, after everything, meant to be talaga...
Pano kung nabubulagan ka lang pala?
Pano kung masyado lang mabilis?
Pano kung ginagawa mo lang 'to for the sake of experiencing it?
Pano kung wala naman palang love, infatuation lang talaga?
Pano kung sa simula lang pala masaya?
Pano kung hindi naman pala kaya?
Pano kung natutuwa ka lang pala sa kaniya?
Pano kung...
Hindi naman pala.....
meant to be ?
Unang una, stop living in a world full of what if's. Kung sa una palang, doubtful ka na about everything, then it's not worth it. Kung totoo 'yung nararamdaman mo, malamang sa malamang, dapat sigurado ka. Dapat walang "pano kaya kung.." "what if hindi pala..." "pano kung si..."
"Mahirap pumasok sa isang relasyon na ikaw sa sarili mo, 'di ka sigurado."
Next, learn to take risks, to take chances. Sabi nga ni Marcelo Santos III, para 'yang lotto. Kung gusto mong manalo, matuto kang tumaya. Kailangan mong magbayad. Magbakasakaling mananalo ka. Dadating talaga sa point na kakailanganin mong gumawa ng isang drastic, and by drastic I mean drastic na choice. 'Yung tipong life and death, 'yung tipong, makakaapekto sa ekonomiya ng bansa. One cannot love without taking risks. The mere fact that you give your trust and your heart to someone else, it's a big risk. Pero 'diba nga, we cannot live in a world of what if's.
Matuto sa mga maling choices, sa mga heart aches, sa mga pagkakamali. Siyempre, walang taong perpekto, walang taong 'di nagkakaron ng mga maling choice, walang taong walang pinagsisisihan. Pero at the end of the day, tapos na 'yon, nangyari na, close chapter na. Minsan talaga, madadapa tayo, magkakamali. Pero sabi nga ni Kimmy Go Dong Hae, "When the economy is down, there's nowhere else to go but up." Bumangon mula sa pagkakadapa at matuto.
"Leave the past behind but bring with you the lessons you learned from it."
Never give up. Nahulog ka na nung una, hala sige ulitin mo pa! Charrrrrrrrrot. What I want to say is, lahat tayo deserving sa sariling nating malulupit na happy ending. Hindi man ngayon, hindi man sa ex mo, pero someday, with the right person. May nagmamahal sa'yo, marami. Sobrang dami. Baka 'di mo lang napapansin. Baka busy kang nakatingin sa kung anong wala na samantalang 'yung meron ka kulang nalang idikit mukha niya sa'yo para mapansin mo. Kaya 'wag susuko, pero huwag 'ding magmadali. Take everything in the right pace.
Siguro ang love parang board game.
Ihagis ang dice sa paraan na gusto mo. Igalaw ang sariling sa tamang pace para hindi malagpasan ang mga trivia, mga bonus at kung ano ano pa. Maglalanding ka sa kung saan ka dapat. Minsan, mamalasin at mapapabalik sa starting point. May mga masusuwerte na mauuna sa dulo. Pero tandaan mo, kahit anong mangyari, mararating mo rin 'yon. Matatagpuan mo rin si Dawan at sabay kayong aabot sa dulo.
Happy ever after.