Sunday, August 28, 2011

Happy First Year MLYBT! :')

August 27, 2010 
The day that marked the the friendship stronger than any other, the day that started something called, forever.

We were strangers, starting out on a journey...


Eto talaga 'yung mga moments na.. Awww. Ang sarap magreminisce. Akalain mong, one year na pala? Actually, one year and a day. Yung feeling na dito nagsimula ang lahat. So eto na nga yung kwento... 

MSBT: Pretty, kind, cool, happy, positive, gorgeous, curvaceous, admirable girls. These girls really strive to give their best in everything that they do. They never settle for anything less. Sila yung mga ladies na binusog sa humility ng nanay nila. Sila yung mga ladies na may joy joy joy down in their hearts. Sila yung mga namimiss ko ngayon. Sila yung, walang katulad. :') Sila na talaga. 
di ba masyadong halata na section ko 'to....


MLYBLY: Counterpart ng msbt. Boy version namin. Super babait ng mga tao dito. Napaka. As in. Yung tipong, pipicturan ka at your worst tapos, ipopost sa fb, tapos gagawan ng video.. Tapos, lolokohin ka na may pasok kahit wala naman talaga.. Yung mga gentlemen na hahayaan kang tumayo basta sila nakupo.. Yung tatawanan ka pa kapag may kagimbal-gimabal na nangyari sa'yo.. Ayon. Ganon sila kabait. :)) 

Sabayang Pagbigkas: Isang patimpalak para sa buwan ng wika na, sa totoo lang, kinareer 'to ng section namin.. 'Yung gabi na umuuwi dahil sa practices.. Yung kahit masakit sa katawan at bulsa.. Yung okay lang talaga kasi alam naming bongga yung kalalabasan..


Yung araw na ng contest: 'Yung  tipong 'yung ibang performers, manghang-mangha sa performance niyo. 'Yung tipong enjoy na enjoy na lahat ng tao sa performance niyo. Naalala ko pa, sabi nung isa sakin, "Wala na, gusto na naming umuwi, nakakawala na ng gana magperform." Tapos, sabi ko naman.. "Kapag yung performance niyo, mas maganda kaysa samin, 'di na tayo magkaibigan." Tapos, eto na, nagperform na nga sila... Eh jusko. Ano ha. Yung feeling na, alam mong yung mga sections lang namin ang naglalaban for the first place... After sometime, inannounce na rin yung winner tapos, tapos, tapos, second kami.. Sabi ko.. 'Di ako iiyak. 'Di ako iiyak. Tas may nakita akong umiyak.. Umiyak na rin ako. :'( Kasi, yung feeling na, akala mo sapat na yung binigay mo 'tas hindi pa pala... 


But despite that.. (And to cut the long story short) Pumunta sila sa room namin, tapos binigay nila yung trophy nila sa amin which really made us cry and... awwwww. as in, just the thought that binibigay nila sa amin yung trophy, ewan ko. Words aren't enough para i-describe e. Yung ang sarap ng feeling. Yung, ganon sila ka-thoughtful. Yung ganon sila kabait na ayaw nila makita kaming umiiyak na.. ahhh. *teary eyes right now.* After pa 'non, kinantahan pa nila kami ng Joy joy joy! 'Yung, enebe the best talaga tong Mlybly. 


Here are some snaps.. :') *bat ako naiiyak ng onte. kainis*


Yung.. Hi Maurice. :>
Kelan pa kami nagkaroon ng step na pampusa... Ay wait. Eto yung.. 'Di ako bakla. Tantantan..
Yung totoo Dorothy, ANYARE?!!!!!!!!!!
'Yung tipong, mej picture picture muna bago ang semis..
Sila. Ang mga chenes nila. San ka pa, black shirt + panyo = CHAMPIONS! :')
Yung, tipong.. Anong tinuturo niyo.. "Im, im, im-pak-m,.."
I just miss you guys!! :'(
Yung feeling na.. ANO REUNION NA!! :))

They'll have this special place in my heart forever. :')


Dear MLYBT,
You guys know that I'll love you forever 'di ba? Na, despite what we've been through, kahit na hiwahiwalay na ang ilan sa atin, alam nating we are here for each other. Da best talaga kayo. Miss ko na kayo. Happy Anniversary! "If I had only one friend left, I'd want to be you.. " Kaya lang 'di lang kayo one.. Ayos lang naman 'di ba? :D  Kung may time machine lang, babalik-balikan ko yung lahat ng memories ng Mlybt. Kahit after ilang years, kahit gaano na tayo kalayo sa isa't isa, kahit anong mangyari, you'll have this special place in my heart. 


PS. Yung bayad niyo sa shirt.. :'>

Saturday, August 20, 2011

What's Playing .02 (Party Party)

'Cause staying up late or even not sleeping is a trend these past few weeks, this month's WP will contain the songs I usually play during lamay modes. 
*lamay mode: ang pagpupuyat ng mga mag-aaral ng pcc para matapos ang mga requirements

But before the playlist, I will first share some tips on how to successfully stay up late (or even not to sleep)

LAMAY MODE TIPS 101
#1 'Wag kang mag-aattempt na matulog bago gumawa. 
-Yung mga lines na.. "Tulog muna ako for 30 mins. tapos, gagawa na ko." 'Di effective 'yon pramis. 'Wag kang magtitiwala sa pag idlip. Tinatakam mo lang lalo ang sarili mo, resulting to lalong paghanap ng katawan mo sa tulog. Minsan pa nga, kugn minamalasmalas ka, 'dederetso na tulog mo at magigising kinabukasan. Kung gagawa ka, gumawa ka na. Mindset na na work. work. work.

#2 I-prioritize ang mga gagawin.
- Gawin muna yung mga bagay ng for the next day. Alangan namang gawin mo yung pang thursday tapos 'di mo gagawin yung pambukas? It's a matter of prioritizing things.

#3 Humanap ng pagkain / energy drink / drink na magpapagising sa'yo.
- Kape, Milo, Coke, Chocolates, Skittles? Meron 'yan. You just need to find it. Try niyo Gatorade + Extra Joss. :)

#4 Listen to songs like this.

1. Party Rock Anthem - LMFAO
2. Black and Yellow - Whiz Khalifa
3. Dynamite - Taio Cruz
4. 2012 - Jay Sean
5. Super Bass - Nicki Minaj 
6. Rocketeer - Far East Movement 
7. Whip My Hair - Willow Smith
8. Raise Your Glass - Pink
9. Like A G6 - Far East Movement
10. 21 Guns - Green Day

And The Dolls Became Zombies

Last Friday Night..
Yeah we danced on table tops..
And we took to many shots..
Think we kissed but I forgot..
Last Friday Night.

This has been the longest lapse between my posts. (yet) I never really thought that the lapse would be this long. My apologies. HUHUHU. :)

So the main reason for the blogless weeks was school. Typical school for fifteen year old students.. You know.. Practices, projects, homeworks, research.. All in one day. Just the typical things. Not enough sleep for four days.. Not sleeping for a day.. Nothing new. HAHA.

Naalala ko pa. Grabe may isang araw talaga na nakita ko lahat ng mga classmates ko. Tulaley. As in bangag. As in mga nakanganga. Mantakin mong natutulog 'yung mga tao sa likod nung isang subject. Mantakin mong ang mga 'dolls' ni mudra M. ay naging mga zombies. 

At this point in time, well deserved ng buong MNL ang rest. I mean. Rest na totoo. Hindi yung rest na peke. :)) Rest pero gumagawa pa rin ng mga bagay pampaaralan? Yung rest na rest na rest na rest. Yung tipong gagawin mo lang yung mga bagay na makakapagpasaya sa'yo buong araw.

Reasons why we need TRUE REST:

#1 We survived PT week but then we didn't have the chance to celebrate that much.
- 'Di ba pagkatapos ng isang paghihirap, karapatan ng taong magsaya dahil na overcome niya ito? 'Yon. 'Di kami masyadong nakapag party party dahil may something na dumating at kailangan naming unahin yonnn.

#2 We are no longer  dolls. ZOMBIES na.
- Mudra M called us zombies. Zombies. Dood. Kala ko ba dolls kami. Ganun na ba kami ka stressed? As in, eye bagsssss? Lalo ko napatunayan na zombies kami nung lahat kami gising pa nung madaling araw. As in. Teka, kala ko magpapalit kami ng dp na zombies..

#3 We accomplished two major projects in a week's time.
- Isang nung Wednesday at isang Thursday. Buti nalang napaki-usapan at naging Friday. Sobrang bait talaga ng aking godmother. HARHAR. Effor yun ha. Buti nga dun sa isa, nakatulog ako kasi tinapos ko nung sunday. Eh yung isa, jusko. Wala talagang tulugan. Derederetso. 

#4 Four days kaming kulang kulang ang tulog.
- Dahil nga sa sobrang daming ginagawa at sa practices, ayun, two hours, three hours.. Ganun lang yung tulog namin. Hobby na ata namin ang magpuyat? Yung feeling na bespren mo na ang kape at chocolates. Yung feeling na, dadating ka ng school nang maaga para ipagpatuloy ang mga gawain, kakain ka sa recess, magnanakaw ka ng idlip sa lunch tas gigising ka para gumawa ulit ng requirements. Yung ganong feeling ba..

#5 Yung hindi kami natulog nung Friday pero todo cheer parin kami for PCC's basketball team sa UCSAA.
-Super dooper major major cheer kami for PCC that time. Nga pala, season 1 ng UCSAA. Abangan niyo sa unTV yung game hahaha. *Di kami yung nagbato ng bote at the end of the game ha. Super duper saya 'non. Wala pa kaming tulog niyan ha! Ganun pala 'yon. Kapag wala kang tulog, mas nababangag ka kaya taas ng energy level mo. Lols. Wala nang kakabog pa sa energy namin nung araw na 'yooooon.

#6 Kahit wala kaming tulog antaas pa rin ng energy namin.
- Ayun nga, kapag pala wala kang tulog antaas ng energy mo? Makirot sa ulo pero, mataas pa rin yung energy. Ewan ko. Ako lang ba o.. Pero sila rin naman e. Bangag bangag nung 'di kami natulog. Ano, 'wag nalang kami matulog forever?

#7 One week ko silang kinantahan ng LAST FRIDAY NIGHT
- Hindi ko alam kung saan nagsimula ang pagkahumaling ko sa LFN ni Katy Perry. 'Di naman 'to ganun ka bago pero, alam mo yon. :)) Nung una ang alam ko lang ay.. LAST FRIDAY NIGHT. Tapos, nagresearch, nakinig. At ayon, kawawa ang mga classmate ko. Isang linggo *inlcuding weekends nila narinig ang LFN version ko. LOLS. Hahanap ako ng ibang kantang pwedeng idedicate sa kanila pero for the mean time, magtiis sila sa LFN. *insert evil laugh na todo todo here*

#8 We still manage to give our best in each of our endeavors despite the adversity we face. (Syet english yon.)
-Kidding aside, alam mo 'yon, kahit bangag na. Kahit puyat na. Kahit todo todong pagod. Kahit puro reklamo kami sa Twitter / Facebook / walang magawa eh ginagawa pa rin naman yung todong effort. Kaya lang naman kami nagpupuyat at 'di natutulog dahil binibigyan namin ng effort ang aming mga ginagawa. We do our best sa mga bagay na ipinapagawa sa amin. Yes we rant. Yes we make reklamo yes to everything negative na pwede nilang sabihin tungkol sa amin pero one thing's for sure, MNL never settles for less. Ibinigay talaga namin yung todo sa mga bagay na ginagawa namin. Samahan mo ang effort at excellence ng mga matatamis na ngiti at solb na solb na. WE NEVER FORGET TO SMILE AND TO STAY HAPPY. :DDDDD

Dear MNL,
Uy! HEHE ano kamusta na ang mga batang walang tulog? I-enjoy ang saturday ha! :> Let us stay happy and positive at ipagpatuloy lang natin ang pagbigay ng best sa lahat ng ginagawa natin. 'Yung paksyon na meron sa room (yung sabi ni sir.) alam kong unti unti nang nawawala!!! Kasi, yung kanina, jusko evidence yon. ANONG PAKSYON HA. Walang paksyon. IISA LANG ANG MNL at LAHAT KAMI SABAY SABAY, HAWAK KAMAY, susugurin ang tugatog ng TAGUMPAY. Makikita ni... At kakainin ang .... Saveh? :)) Basta, alam ko mawawala na yung paksyon na yon :> I-enjoy na muna naitn ang weekend at tayo'y magttrabaho muli next week! :) LEZ DO DIZ.  Happy Birthday Eunice! :)